Letter 33

120 7 1
                                    

Ngingiti ngiti ako habang naglilinis sa sala.

Nakuha ko yung love letter ko. Muli ay naalala ko ang nakalagay sa sulat ko.

Dear Zeus,

Alam mo bang bagay na bagay tayo. Sa tingin ko pinagtagpo tayo ng tadhana.

Nakaukit na sa kalangitan ang kwento nating dalawa. May nabasa kasi akong kwento sa internet tungkol sa mitholohiya. Ang kwento ni Zeus at Hera, ang hari at reyna ng kabundukan ng Olympus. Hindi ko alam kung nabasa mo na ang kwento nila pero ikukwento ko pa rin in case na hindi mo nga nabasa.

Matagal na sinusuyo ni Zeus si Hera upang yayain itong pakasalan kaso hindi ito mahal ni Hera, kaya naman nagpanggap si Zeus na ibong nangangailang ng tulong. Nakita ito ni Hera, dinala nya ito sa bahay para alagan at nang mapamahal si Hera sa ibon doon na bumalik si Zeus sa kanyang tunay na anyo. Kaya nang niyaya ni Zeus si Hera ng kasal ay pumayag na ito dahil mahal na nya si Zeus. Ang kasal nila ang unang at pinakamalaking okasyon sa Garden ng Hesperides.

Nagtataka ka yata, kung bakit ko ito kinukwento? Kinukwento ko ito dahil "Hera din ang pangalan ko. Hera Bulalakaw ang buong pangalan ko. Kagaya ng kabundukan ng Olympus pwede din akong maging reyna mo pero hindi ako kagaya ni Hera ng Mitolohiya pagnag-propose ka sa akin ay ora mismo sa araw na yun, Magpapakasal ako sa inyo. Hindi mo na kailangang magpanggap na ibon para mahalin pa kita at alagan. Kagaya nga ng mga unang sulat ko minamahal kita kahit malayo. Minahal kita hindi dahil obviously gwapo ka o kaya naman mayaman ka. Minahal kita sa hindi ko malamang dahilan. Isa ka sa nagiging motivation ko para ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito sa Consunji High kahit na nga ang mahal mahal ng pagkain sa canteen, kahit na maarte ang mga babae dito, tambak ang gawain naming mga estudyante dito. Kahit na ang higpit ng mga rules mo. Kahit na lagi akong kumakain mag-isa tuwing tanghalian sa Garden nyo. Sulit na sulit naman pagnakikita kitang masaya at masaganang kumakain kasama ang mga pinsan mo.

Ang babaeng pwede mong gawin reyna ng Olympus,

Hera Bulalakaw

Hindi ko maiwasang kilabutan sa sarili kong sulat. Mga panahong naniwala ako na kami ang tinadhana ng universe dahil lang sa pangalan namin. Ang siste ,ay ako pa ang naging ibon, ang ibon na nangangailang ng tahanan at tulong mula kay Zeus. Hindi ko din natapos ang kwento ni Zeus at Hera bago ilagay sa locker ni Zeus ang sulat. 

Na ang ending pala ng kwento ay nangaliwa si Zeus at maraming babae sa dulo ng kwento. Masalimuot ang kwento nilang dalawa  kaya napagpasyahan ni Hera na maghiganti kay Zeus sa dulo, kagaya ng dulo ng kwento nilang dalawa. Pinili ko ding maghiganti kay Zeus sobra kasi talaga akong nasaktan noong makitang walang habas nitong tinapon sa kung saan basurahan ang mga sulat ko. Minsan ko din itong nakitang ka-date si Dione sa isang Chinese restaurant kaya pilit kog binaon sa limot ang nararamdaman ko.

Pero kahit na ganoong ang ending nila nanatiling faithful si Hera kay Zeus kagaya ko. Akala ko naka-move on na ko kay Zeus pero mukhang bumalik ito. Bumalik o hindi naman talaga nawala? Mukhang mas lumalala pa nga ito ngayong lubusan kong nakilala at nakasama pa sa iisang bubong si Zeus.

Like in the mythology story. I end up like Hera. My love will remain bound for eternity for Zeus.

Nasa malalim akong pag-iisip ng maka-receive ako ng text mula kay Ma'am Rhea niyaya ako nitong kumain sa labas mamayang alas dose. Napangiti ako at kaagad na nag-reply dito. Alam nito ang schedule ko tuwing Tuesday ng ala una ay may vacant kami kaya ang lunch namin ay umaabot ng halos dalawang oras pag-martes.

Muli ay nakatanggap ako ng text mula naman kay Zeus.

From: RightZeus

Don't skip your Lunch Hera.

Dear ZeusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon