NANG makarating kami sa Sy Mall ay kaagad akong hinila ni Krishna patungo sa isang botique ng mga damit ng isang kilala't mamahaling brand. Habang busy ito sa pamimili ay tumingin tingin din ako sa mga damit na nakahelera hanggang sa may nakaagaw ng pansin sa akin na damit kagayang kagaya kasi ito ng damit na binili sa akin sa akin ni Zeus kaya dinampot ko ito at kaagad na tinignan ang presyo. Napailing na lang ako ng makita ang presyo nitong halos umabot sa tatlong libo.
Tch. Ang nipis nipis ng tela mas maganda pa ngang bumili sa ukay ukay palibhasa brand name lang ang binabayaran dito.
"You want that?" napaangat ako ng tingin. Sa kakakilatis ko nitong damit ay hindi ko namalayang na sa harap ko na pala si Krishna.
"Hindi tinignan ko lang." Kaagad kong sagot.
Napadako ang tingin ko sa kamay nya ang dami nya kasing hawak hawak na damit.
"You can choose whatever you want. It's my treat." Kaagad akong napailing sa alok nito.
" Naku wag na marami pa akong damit."
"Don't be shy Hera. Birthday mo noong isang araw di ba so that's my birthday presents na."
"Naku hindi na okay lang kahit na wala kang regalo." Muli'y tangi ko sa alok nito.
"No, I won't take no, alam mo ba kaya kita niyaya para mabilihan ka ng regalo kaya pumili ka na kasi hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka nakakapili." Hindi na ako nakatanggi sa sinabi nito kilalang kilala ko na kasi itong si Krishna pagsinabi nya ang isang bagay gagawin nya talaga at walang makakapigil sa kanya.
Hindi ko na masyadong sinuri ang mga damit diresto sa price tag kasi ang tinggin ko at kung anong pinakamura yun na lang kukunin ko. Makalipas lang ang halos dalawang minuto ay nakita ko na ang pinaka mura sa lahat isa itong puting Off shoulder dress.
"Here's the fitting room Ma'am," ani ng sales lady at Iminustriya sa akin kung saan ang fitting room.
Pumasok na ako at kaagad sinukat ang napili kong damit. Saktong sakto lang naman ito sa akin at mukha namang bagay ito sa akin. Muli ay pinasadahan ko ng tinggin ang suot ko saka lumabas upang ipakita kay Krishna ang ayos ko.
"Okay lang ba. Bagay ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi kasi talaga ako nagsusuot ng dress sanay ako sa simpleng shirt at tukong lang.
"Yup bagay sayo." Nakangiting sagot nito sa akin kaya muli akong bumalik sa fitting room para magpalit ng damit.
Matapos nun kaagad na binayaran ni Krishna ang lahat ng pinamili nya saka kami dumiretso sa isang American restaurant nagugutom na daw kasi sya.
Nang makaupo kami at kaagad na iniabot ng waiter ang menu. Muli ay ang una kong tinignan ay ang price kung saan ang pinakamura ay yun ulit ang pipiliin ko. Nakakahiya naman kasi binilhan nya na ako ng bagong damit tapos muli ay iililibre nya na naman ako.
"What's your order Ma'am?" tanong ng Waiter sa amin.
"Ikaw Hera, Anong gusto mo?" tanong ni Krishna.
"Hmp... itong mushroom soup lang," Sagot ko dito ito lang kasi ang pinakamurang pagkain na nakita ko na aabutin ng budget ko.
"Okay, two mushroom soups then what's your bestseller here?" Baling ni Krishna sa waiter.
"Roast top sirion of beef au jus Ma'am." Sagot ng waiter.
"Okay, two orders of that." Pagkatapos nun ay inulit ng waiter ang order namin saka umalis.
"Bakit dalawa ang order mo mauubus mo ba yan?" tanong ko dito.
"I know you Hera ino-order mo yun pinakamura sa lahat kaya ako na ang pumili ng para sayo. it's my treat." Sagot lang nito. Hindi na ako nagkomento pa sa sinabi nito mukhang nabisto na nya ko.
BINABASA MO ANG
Dear Zeus
Novela JuvenilDear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?