Nang makauwi na kami ay dadali akong pumasok sa kwarto at humilata dahil sa pagod sa byahe.
Papikit na sana ako nang marinig ang pagkatok ni Zeus."Aalis muna ako sandali!" sigaw nito kaya naman sumagot lang ako ng oo ako at bumalik muli sa pagpikit.
Nang magmulat ako ng mata ay kaagad kong tinignan ang orasan halos dalawang oras din akong nakatulog at hindi na rin masakit ang puson ko.
Napagpasyahan ko ng bumangon at saka nagtungo sa banyo para magmumog at magpalit ng napkin pagkatapos ay kaagad kong hinanap si Zeus pero mukhang hindi pa ito dumadating.
"Meow meow meow." Napabaling ang atensyon ko sa paanan ko kung saan abala sa paghimod ng mukha nya sa binti ko- si Nemo dahil sa gesture nito ay binuhat ko ito at dinala ito sa kusina kilala ko na kasi itong si Nemo naglalambing lang sa akin pagnagugutom.
Tinignan ko ang lalagyanan ng kainan nya at tama nga ang hinala kong wala na itong laman kaya binaba ko muna ito at nilagyan ang pagkain ang kainan nito.
"Nasaan kaya yung antipatiko mong amo?" tanong ko kay Nemo , as if namang sasagot ito sa akin.
"Meow meow meow," Sagot lang nito sa akin patuloy pa rin sa pagkain.
Hinimas himas ko ang balahibo nitong mabalbon.
"Adik talaga yung amo inaalagaan ka pa rin kahit na may skin asthma sya," Pakikipag-usap ko kay Nemo. May nabasa kasi akong article noon na ang balahibo ng hayop ay maaring maka-trigger ng sakit sa skin asthma.
"For your information Baichi, hindi lahat ng may skin asthma may allegy sa balahibo ng pusa o aso." Kaagad akong napa-angat ng tinggin nang marinig ang boses ni Zeus.
Zeus ko po! dahil sa pagkaabala ko dito kay Nemo ay hindi ko namalayang dumating na pala si Zeus.
"Anong ibig mong sabihin?"
"It's called the hygiene hypothesis it's a study that suggests a lack of early childhood exposure to germs helps a child's immune system develop. In my case, I was early exposed to animals which is why animal fur or dander don't have an effect or can't even trigger my skin asthma. Only dusty and dirty places can trigger my skin asthma, back then my mom didn't allow me to play outside that's why I have this skin allergy."
Napatango na lang sa paliwanag nito ngayon ay naliwanagan na ako kaya pala yan ang madalas na sakit ng mamayaman masyado kasi silang ingat na ingat na hindi madumihan kaya ganun tuloy ang kinakalabasan mas nagkakasakit sila.
"Kaya Ikaw, you should clean now," Utos nito at iniabot ang sa akin ang walis tambo at dustpan. Napairap ako dito.
"Masusunod kamahalan," Sagot ko na lang at kinuha ang tambo at dustpan dito papaalis na sana ako ng muli nya akong tinawag.
"By the way for you."
"Anong gagawin ko dito?" nagtataka kong tanong dito nang iaabot nito ang isang puting box.
"Lunukin mo," Seryosong sagot nito na akala mo isang candy lang ang gustong ipalunok nito sa akin.
Ibinaba ko muna ang puting box bago sinabunutan ko ang madilaw nyang buhok."Ouch stop it baichi!" Daing nito at pilit na inaalis ang kamay kong nakasabunot sa buhok nya.
"Stop asking just open it, that's my gift, Ouch!" daing kaya binitiwan ko na ang buhok nito at dali daling binuksan ang regalo nito.Halos malalaglag ang panga ko nang makita ang regalo nito. Zeus ko po!
"Cellphone mula sa isang sikat na brand talaga pwede namang yung mura na lang na tig- 1000 pesos. Call at text lang naman mahalaga sa akin." muli ay binalik ko ang regalo nya. "Hindi ko matatanggap yan marami ka ng naitulong sa akin."
"Silly, ikaw lang ang kilala kong tumanggi sa regalo." Naiiling nito sabi at binalik sa akin ang cellphone. "Keep this you need it. This Phone is just for free from management. They choose me to endorse this as their new model as if namang bibilhan kita. Look they gave me two. So One for you and one for me. Hindi ko nga alam na birthday mo ngayon." Nakangising nitong sagot at pinakita ang isa pang phone na kasing kulay din ng akin dahil sa inasta nito ay nawala ang nararamdaman kong hiya. Tsk antipatiko!
"Eh di fine akin na ito salamat," Labas sa ilong kong pasasalamat at nagmartya palabas ng kusina. Kala ko naman sinadya nyang bilhin para sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad ng may ma- realize. Bakit nga ba ako nagagalit kay Zeus? E, sya na nga itong may regalo sa'kin.
Dahil umasa ka na tanda nya ang birthday mo, Gaga!
Biglay sabat ng kabilang bahagi ng utak ko.
Napailing na lang ako sa takbo ng isipan ko dahil siguro mayroon akong period kaya ganito ang nararamdaman ko.
------
BINABASA MO ANG
Dear Zeus
Novela JuvenilDear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?