10

930 34 14
                                    

Messenger

Blue Balls Club
10:48 PM

EU: I'm so proud of you, brother, Lio. 👏

Seen by everyone

Clark: Init ng ulo natin, boss Lio, ah. Haha!

JK: Aling ulo?

Gago!

JK: Aba, inosente kaya ang tanong ko. 😌

Edon: Lio...

Sorry, Cap, di na mauulit.

Pero di talaga ako ang nauna. Gumanti lang ako.

Roz: Tama yan! Wag kang magpaapi.

Clark: Ayos ng mga turo mo, Roz, ah. Haha!

August: Kahit matawagan ng flagrant foul penalty 1, ayos lang?

Rajon: Buti nga penalty 1 lang. Kung penalty 2 ang itinawag ng referee, may fine ka ng 20k, suspended ka pa. Haha!

JK: Buti na lang din, napigilan ko si EU. Reresbak pa sana para kay Lio.

Clark: Kaya nga, lodi master. Kung hindi, magkapatid silang may flagrant foul. Haha!

Ha?

EU: Aba, walang pwedeng umapi sayo, Lionel, maliban sa akin.

Clark: Isama mo naman kami sa pangarap mo, pareng EU.

EU: Madali naman akong kausap. O, eh di, walang pwedeng umapi kay Lio kundi tayo.

Rajon: Pota! Hahaha!

Mga siraulo.

Roz: Sila lang, di ako kasali.

JK: Wow, mapagmalinis talaga itong si Roz, di naman talaga malinis ang pagkatao.

Rajon: Si August lang talaga ang mabait dito. Haha!

August: 👍

Edon: Si... August lang?

Rajon: Saka pala ikaw, Cap.

Clark: Tangina! Hahaha!

Weak.

JK: Pero, curious talaga ako kung bakit mo pinatulan yung ugok na yun, Lionel.

Clark: Oo nga! Bakit mainit ang ulo mo, boss? Haha!

JK: Di ka ba naka-score?

Tado ka, Castillo!

JK: Sa laro kasi! Ano bang iniisip mo? Hahaha!

August: May score naman si Lio. Double-double pa nga, eh. Kasi 11 ang total assists niya.

JK: Hahaha!

Rajon: Double-double naman pala ang game stats, so, bakit nga mainit ang ulo?

Tantanan n'yo nga ako!

Clark: Pareng EU, may alam ka ba kung bakit ganyan si Lio?

Roz: Mga tsismoso talaga. Tsk!

JK: Gusto mo ba ikaw ang pagtsismisan namin, Roz?

Roz: Subukan n'yo lang.

Edon: Baka brokenhearted?

Ha?

JK: May alam ka na naman, Cap?

Clark: Tapos di alam ni EU na kapatid ni Lio? Hmm...

Di ako brokenhearted.

EU: Di mo sure. 🤭

May sinasabi ka, Kuya? 🙂

EU: Wala!

Edon: Weak.

JK: Cap? Is dat u? Hahaha!

Clark: Pota! Hahaha!

Seen by everyone

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 5: The Ghoster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon