Telegram
Glad Silang
10:32 PMGlad: Ate!
10:38 PM ✔✔
10:40 PM
Ano na naman yun, Gladlyn?
Glad: Luh? Bakit mainit ang ulo mo?
Glad: Di ba, dapat masaya ka nga?
Bakit naman dapat ay masaya ako?
Glad: Kasi nag-date kayo ni Kuya Lio.
Glad: Di ka siguro naka-score, no?
Bruha ka! Kung ano-anong pinagsasasabi mo.
Glad: Hahaha!
Ano bang kailangan mo?
Glad: May laro sina Kuya Lio bukas, di ba? Tara, nood tayo!
Di ako ang magco-cover ng game bukas.
Glad: Eh, di mas okay. Mas mae-enjoy mo yung game. Tara na! Nood tayo!
Oo nga.
Manonood naman talaga ako.
Niyaya ako ni Lio. Siya na raw ang bahala sa ticket ko. 😏
Glad: What? Ang daya!
Glad: Sama ako!
Sige, hanap ka ng ticket mo.
Glad: Yabang mo, Ate!
Aba, ako pa nga? 🤣
Glad: Basta sasama ako bukas.
Bahala ka. Basta nga maghanap ka ng ticket mo.
Glad: Okay. Makakakuha ako ng ticket. Just watch and be amaze.
10:54 PM ✔✔
--
Lio's Account
Messenger
Glad Silang
11:01 PMGlad: Kuya Lio!
Seen, 11:07 PM
11:09 PM
Yes, Glad?
Glad: Kuya, ang daya mo!
Ha? Bakit?
Glad: Si Ate lang ang niyaya mong manood ng game bukas!
Glad: Paano naman ako?
Glad: Ako na number one shipper ng love team n'yo. Ako na botong-boto sayo para kay Ate. Ako na gumawa ng paraan para makausap mo ulit siya.
Glad: Tapos di mo ako isasama? Mygad, Kuya Lio!
Hahaha!
Kalma ka lang, Glad.
Sige na, sige na. Sumama ka na sa ate mo bukas. Ako na ang bahala sa tickets n'yo.
Glad: Yan! Kaya naman boto talaga ako sayo, Kuya Lio, eh.
Glad: Isama mo rin si Trey bukas, ah. Ehe!
Yun ang di ko sure.
Glad: Please, Kuya Lio? Pretty ako please?
Glad: Tinutulungan naman kita kay Ate, kaya sana tulungan mo rin ako sa pagsinta ko kay Trey my bebe labs. 🥺
Hahaha!
Oo na, sige na nga. 🤣
Glad: Yun naman, eh. Bait mo naman talaga, Kuya.
Nambola ka na naman.
Glad: Di yun bola! Hahaha!
Oo na lang.
Glad: Hahaha!
Glad: See you bukas, Kuya Lio!
👍
Glad: Si Trey, ah. Hahaha!
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰