59

652 25 4
                                    

Messenger

JT Punzalan
7:23 PM

JT: Oy, panget, nasaan ka?

Seen, 9:41 PM

9:43 PM

Nasa bahay na. Kauuwi ko lang.

Miss mo ako? Haha!

JT: NO!

Maka-no ka naman. Nakakasakit ka ng damdamin, pare.

JT: Sinasaktan mo rin kaya ako.
[unsent message]

Nakita ko yun! Haha!

Paano kita sinasaktan? Di kaya ako marunong manakit. 😌

JT: Dami mong alam, eh. Lol!

JT: Saan ka galing? Bakit gabi ka ng umuwi?

Nag-dinner kami ni Lio.

JT: Ah.

JT: Kayo na ulit?

Hindi pa.

JT: "PA." May balak kang makipagbalikan?

Ewan. Siguro.

Mahal ko pa rin naman, eh.

Seen, 9:51 PM

9:56 PM

JT: Awit! Sakit naman n'on. Haha!
[unsent message]

Seen, 9:58 PM

10:01 PM

Ano ba yan? Unsent na naman!

JT: Hahaha! Bagal mo, eh.

Anyway, bakit mo nga ako hinahanap? May problema ba?

JT: Wala naman.

JT: I was just thinking about going to the beach. Unwind lang, ganoon.

JT: May nahanap na akong beach na malapit lang. Kaya kung free ka, magpapasama sana ako.

Hay naku, Jan Timothy. Kilala na kita. Alam ko kapag nagyayaya ka sa mga ganyan.

Pero di kita pipiliting magsabi. Maghihintay ako kung kailan ka magse-share sa akin. Basta nandito lang ako, ah. Don't hesitate to tell me about anything.

Thankful ako sayo kasi kapag ako ang may problema o may kailangan sayo, nandiyan ka lagi para sa akin.

JT: Joylyn Silang, nagyayaya lang akong mag-beach, pero nagdrama ka na.

Hahaha! Sorry na.

JT: G ka ba?

Yes!

JT: Wala ng atrasan yan. Baka mamaya pag may ibang nagyaya sayo...

Luh? Ang drama din! Hahaha!

Wala ng atrasan. Promise.

JT: Good. Na-SS ko na para may ebidensya.

Grabe! Haha!

JT: Salamat, Joy.

Luh? Soft hours: open na ba?

JT: Baliw ka talagang babae ka.

Hahahaha!

JT: Matulog ka na at hinahangin na yata ang ulo mo.

Bwisit ka!

JT: Hahaha!

Seen, 10:21 PM

--

Messenger

Lionel Ty
10:42 PM

Lionel: See you bukas, Joy. 😉

Seen, 10:45 PM

10:47 PM

Grabe, di ka ba nagsasawa sa mukha ko? Haha!

Lionel: Never.

Lionel: Saka, isa ang game namin bukas sa mga importanteng laro sa buhay namin, kaya gusto ko, nandoon ka.

Oo na, manonood na nga ako. 🙄

Lionel: Buti naman. Haha!

Oo nga pala, may naalala ako.

Lionel: Ano yun?

Di ba, napag-usapan natin kanina na dapat maging honest na talaga tayo sa isa't isa para di ulit mangyari yung dati. Kaya yun, may naalala akong ikwento. Haha!

May nakausap ako sa Omegle. Siya raw ikaw. Hahaha! Ang kulit nga niya, eh. Talagang ipinipilit niya na ikaw siya, kaya naman sinakyan ko na lang mga sinasabi niya. Mabait din naman siya, nakakatuwa rin siya. Pero ngayon, di ko na siya nakakausap. Di na rin naman ako nag-o-omegle, eh.

Ayun lang. Napakwento na ako. Haha!

Lionel: Ah, talaga ba? Hehe!

Oo. Haha! Eh, alam ko naman na di talaga ikaw yun. Di ka naman nag-o-omegle, eh.

Lionel: Ahm, Joy...

Ano yun?

Lionel: Ah, wala. Never mind.

Lionel: Pahinga ka na. See you bukas!

See you! 🥰

Lionel: Goodnight. I love you!

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 5: The Ghoster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon