Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The moment I laid my eyes on you, I knew you were the one. At yan ang totoo, di yan pambobola lang.
Kaya nga nagalit din talaga ako sa sarili ko nang masaktan kita sa unang pagkakataon. Ang tanga-tanga ko lang talaga. Ang immature.
Nang mawala ka sa akin noon, saka ko na-realize na di dapat ako bumitaw. Mahal kita, eh. Walang nagmamahal na nang-iiwan. Well, di lang kita basta iniwan at sinaktan, eh. I left you with no explanations. And I could imagine how badly I've hurt you.
Nang ma-realize ko na ang pagkakamali ko, wala ka na. Galit ka na sa akin, nasaktan na kita nang sobra. At naisip ko na parang ang kapal naman yata ng mukha ko na lumapit ulit sayo pagkatapos kitang i-ghost.
Kaya ang ginawa ko, I watch you from afar. Masaya ako at the same time nasasaktan ako kapag nakikita kita.
Gusto kitang lapitan, pero di ko magawa. Sabi ko, dapat makuntento na ako sa ganoon. Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ka at kung bakit nasasaktan din ako.
I'm sorry, Joy. Sorry kung lagi kitang nasasaktan. Sabi nila, nawawalan ng sense ang salitang sorry kapag paulit-ulit na sinasabi.
It maybe true. But in my case, paulit-ulit ako dahil aminado akong gago ako. Paulit-ulit ako kasi ayaw ko ng mawala ka pa ulit sa akin. Di ako magsasawang sabihin yun hangga't di mo ako napapatawad.
I love you, Joylyn Silang.
Sent, 10:28 PM
--
Telegram
Glad Silang 11:04 PM
Glad: Ate Joy! Huhu!
Glad: Sure kang di ka galit sa akin, ah.
Glad: Sorry talaga, Ate. Love you!
11:07 PM ✔✔
11:10 PM
Isa pang tanong, Gladlyn, magagalit na talaga ako.
Glad: Hindi na nga ako magtatanong. Haha!
Pero bakit nga ba nakipagsabwatan kay Lio?
Glad: I can see his sincerity, Ate. Kita at ramdam ko na nagsisisi talaga siya sa pang-iiwan niya sayo dati. Ramdam ko rin kung gaano ka niya kamahal.
Glad: Di mo lang alam, pero madalas, sa kanya galing yung mga pagkaing nadadatnan mo dito sa bahay. Ayaw ni Kuya Lio na gugutumin mo ang sarili mo.
Glad: That and many more simple gestures na alam ko para lang maiparamdam niya nang patago ang pagmamahal niya sayo.
Glad: Pero ang pinakadahilan kung bakit pumayag ako na makipagsabwatan sa kanya (actually, ako yung may idea ng omegle. Nakita kasi one na nag-o-omegle. Haha!) kasi nag-heart to heart talk kami ni Kuya Lio.
Glad: I made him promise me na wag ka na ulit niyang sasaktan at mahalin ka niya nang sobra kasi deserve mo yun. Nag-promise naman siya. And I believed him. Kuya Lio loves you, Ate.
Glad: Bonus na lang na ilalakad raw ako ni Kuya Lio kay Trey my loves. 🤣
Gladlyn! Kahit kailan ka talaga!
Glad: Aba, ang lagay, eh, ikaw lang ang masaya at may love life? Ako rin dapat. 🤣
Baliw ka talagang gaga ka.
Glad: Aminado naman ako. Hahaha!
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰
The photo above is not mine. Credits to the rightful owner.