Telegram
Carol Tipactipac
7:32 AMCarol: Joylyn!
Carol: Kwento na! Anyare kagabi?
7:33 AM ✔
7:38 AM
Carol: Ano ba yan?
Carol: Gising na, huy!
8:08 AM ✔✔
8:10 AM
Napakatsismosa mo talaga, eh, no?
Carol: Di naman masyado. 🤣
Carol: Kwento na! Bagal, eh.
Kainis ka!
Carol: Hahaha! Go na, spill mo na.
Hmm, after ng game nila, niyaya ako ni Lio sa isang cafe para doon kami mag-usap.
Carol: Teka, teka, di ba kasama mo si JT kagabi?
Oo. Naiwan siya sa sasakyan. Doon na lang daw muna siya, eh.
Carol: Haru jusko! Di ko alam kung matatawa ako o maaawa.
Ha? Pinagsasabi mo dyan, Carolina?
Carol: Wala! Kwento na ulit.
Yun na nga.
Siyempre, noong una, ang awkward. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Then, he started to explain.
Sorry siya nang sorry sa ginawa niyang pang-iiwan at pananakit sa akin. Di raw niya sasabihing di niya sinadya, kasi choice niya that time na iwan ako.
Magulong-magulo raw kasi ang isip niya noon. Naghalo-halo na yung iniisip niya about his family, career and about me.
Pinagku-quit na raw kasi siya ng daddy niya sa basketball. Gusto yata ng daddy niya na mag-focus siya sa ibang career. Not sure if its their business or politics. Pero ayaw niya. Kasi pangarap niya talagang maging professional basketball player.
Then, that time sobrang ganda ng nilalaro niya para sa team nila. Kaya ayaw niya talagang i-give up ang career niya.
Pero his dad insisted. Kasi sa kanilang magkakapatid, si Lio talaga yung madaling mapasunod ng mga magulang niya. Hindi katulad nina Wren at EU or even Treyton.
The thing is, kapag hindi sumunod si Lio sa gusto ng daddy niya, his dad will ruin me raw. My career. Alam mo naman yung dad niya, di ba? Makapangyarihan yun, eh.
So, para di na ako madamay, Lio decided to ghost me. Kasi, kapag nakipag-break pa siya, marami pang kailangang ipaliwanag. Ayun na lang daw ang naisip niyang gawin.
Carol: And you believed him? His reasons?
I do. I can see his sincerity.
Carol: Hay, rupok talaga.
Carol naman, eh.
Carol: So, ano ang difference ngayon? Bakit ngayon lang siya nagpaliwanag?
Carol: Kapag ba naging okay na ulit kayo, ano yung assurance na di na ulit mangingialam ang daddy niya?
Carol: Ano yung assurance na di ka na ulit masasaktan? Kasi, kapag nasaktan ka na naman dahil sa pakikipaglapit niya ulit sayo, ako na talaga ang makakalaban niya.
They had a fight. Lio and his father. For the first time daw, talagang sumagot siya sa daddy niya. Inilaban niya ang pangarap niya. And his brothers supported him. At dahil doon, naospital ang mommy nila.
Carol: Oh! Parang nabasa ko ang balita na yun.
Yeah, I heard it, too. Yun pala ang dahilan ng pagkakaospital ng mommy nila. Siyempre, di na inilabas yun sa media.
Kaya yun, medyo natauhan daw ang daddy nila. Nag-usap usap ulit sila nang maayos at nagkasundo-sundo na.
Carol: So, what's your decision now? Ano bang gusto ni Lio? Nakikipagbalikan ba siya?
Oo ata?
Carol: Bakit parang di ka sigurado?
Ewan ko, eh. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya sa akin.
Carol: Makikipagbalikan ka ba? Tatanggapin mo ulit?
Hindi ko alam.
I was hurt, Carol. Nasaktan ako sa bigla niyang pang-iiwan. He did some damage to my confidence. Yung self-esteem ko, nabawasan. Kinuwestiyon ko ang sarili ko kung may mali ba sa akin.
Carol: Pero mahal mo pa?
Seen, 8:37 AM
8:39 AM
Carol: Alam ko na ang sagot.
Carol: Pero pag-isipan mong mabuti yan, Joy. Susuportahan kita sa desisyon mo, alam mo yan.
Carol: Pero ayokong masaktan ka ulit. Kaya be careful, okay.
Thanks, Carol. Labyu! ❤
Carol: Labyu! ❤
Seen, 8:46 AM
--
Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰