73

706 21 5
                                    

Lio's Account

Messenger

Joy Silang
12:36 AM

Halos tumalon ang puso ko nang makasalubong kita kanina.

Miss na miss na kita.

Miss ko na ang mga ngiti at tawa mo. Miss ko na ang boses mo.

Nakikita naman kita sa malayo, pero miss pa rin kita.

Nakabantay naman ako sayo kapag may pagkakataon, pero miss pa rin kita.

Mahal na mahal kita, Joy. Lagi mong tatandaan yan.

Sent, 12:39 AM

--

Messenger

JT Punzalan
12:47 AM

JT: Joy?

JT: Okay ka lang ba talaga?

JT: Nakita ko nang magkasalubong kayo ni Lionel kanina.

Seen, 12:50 AM

JT, ang sakit.

I love him, but I can't trust him right now.

Ang sakit makitang nasasaktan ko rin siya kasi hindi ko pa kayang magtiwala ulit sa kanya.

Bakit ba kailangang kapag nagmahal ka, masasaktan ka rin. Required ba talaga yun?

JT: Hmm, di naman sa required, pero parang kakambal na kasi ng pagmamahal ang sakit. Kasi you're giving something that's too personal to you, and that's your heart.

JT: When you love someone, you're investing without knowing what to receive. Doon palang, may posibilidad na, na masaktan ka.

JT: Wala namang perfect sa mundo, kaya wala ring perpektong pagmamahal. Hindi mo pwedeng asahan na puro saya lang ang lahat.

You're right. Dapat emotionally ready ka talaga kapag pumasok ka sa isang relasyon.

Well, in my case, wala pa nga kaming relasyon, nasasaktan na agad ako. Not only for myself, but for him, too.

JT: Hay, Joylyn.

JT: Kung kaya ko lang sanang tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman mo, ginawa ko na sana.

JT: Kung kaya ko lang pigilan sa pagtulo ang mga luha mo kasi ayokong-ayoko na makikita kang umiiyak, ginawa ko na.

JT: Kung ako na lang sana, Joy, di ka na masasaktan nang ganyan.

JT...

JT: Alam kong mali ang timing ko, pero hindi ko na makayang nasasaktan ka nang ganyan, Joy. Kasi kung nasasaktan ka, nasasaktan din ako.

JT: Matagal na, Joy. Matagal ko ng kinikimkim ang nararamdaman ko para sayo. Pero duwag ako, eh. Duwag na, tanga pa.

JT: Paano naman ako di maduduwag, eh, alam ko namang si Lionel pa rin kahit nag-break na kayo. Takot ako na tumawid sa linya, natakot akong sumugal kasi ayaw ko namang magkalamat ang pagkakaibigan natin.

JT: I'm happy to wait on the sideline. Kuntento na ako na napapasaya kita. Tanga ako, eh. Tangang nagmamahal.

I'm sorry, JT. I didn't know.

JT: Hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi mo kasalanan na si Lionel ang mahal mo katulad ng di ko kasalanan na mahal na mahal kita.

JT: I'm okay, Joy, really. But I'm not okay thinking that you're hurting. Alam ko naman na si Lionel lang talaga. Tanggap ko yun, so don't worry about me.

JT: But can you do me a favor?

JT: Kung di mo pa kayang magtiwala ulit kay Lionel, can you just continue living normally? I mean, ngumiti ka ulit kasi miss ko na mga ngiti mo. Gawin mo yung mga bagay na normal mong ginagawa.

JT: Alam ko rin naman na laging nakabantay sayo si Lionel. Hayaan mo lang siya, hayaan mo hanggang sa maramdaman mo yung unti-unting pagbalik ng tiwala mo sa kanya.

JT: Can you do that? Kasi, gusto ko lang talagang makita ka na masaya.

Nakakainis ka, Jan Timothy! Bakit mo ba ako pinapaiyak?

JT: Luh? Kasalanan ko na ngayon?

Pero, thank you, JT. Thank you for always being there for me.

And I'm sorry talaga.

JT: Isang sorry mo pa, iiwan kita dito.

Hindi na nga!

I'm thankful na nagkaroon ako ng isang JT sa buhay ko. Totoo yan, walang stir.

And I'm praying na alisin na rin ni God ang sakit sa puso mo kasi ayoko rin ng nasasaktan ka. Ayoko kasi special ka. Kasi di mo deserve masaktan. You're so precious to me.

Ang swerte ng kung sinumang babae na makakanakaw sa puso mo.

JT: Nambola ka pa.

Seryoso kasi ako!

And about your favor, okay, I will do that.

For you, for myself and for Lio.

JT: Very good.

JT: Now, lumabas ka na muna dyan sa kwarto mo. May dala akong pagkain, kain muna tayo.

Alright. Thanks, Jan Timothy. The best ka talaga.


JT: Labas na. Wag ka ng mang-uto. Tsk!

Seen, 1:16 AM

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 5: The Ghoster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon