CHAPTER 60

10 6 0
                                    

Chapter 60

@KayptainRB

His P.O.V

"Sang-ayon ako sa kanila at gusto ko ang gusto nila para sa'tin pero...pero ayaw ko din dahil alam kong ayaw ni By ng ganito. Ayaw kong saktan siya, at ayaw kong sabihin niyang mang-aagaw ako!"

Nakatitig lang ako sa bumabagsak na ulan sa semento.
Nagtatalsikan ito ang karamihan napupunta sa'kin. Kaya mababasa talaga ako nito kapag nagtagal pa ako.

"To be honest, Hugh. Di ko din alam to. Di ko din alam na kayo ang ka-dinner namin. Di ko alam, wala akong alam dinala lang nila ako dito at sinabi ng may dinner pero ang di ko inaasahan at ang mangyayari to. Na ipinagkasundo na pala nila tayo na hindi natin alam. Naiinis din ako sa parents ko sa totoo lang," dagdag niya.

Naramdaman kong tumabi siya sa'kin.

"Pero bakit ikaw pa...ikaw pa na kaibigan ni By?" Naguguluhan kong tanong.

"Kaya nga. Siguro tadhana na ang dapat nating sisihin. Wala tayong kasalanan. Siguro itinakda 'tong mangyari. Kaya ikaw Hugh sinasabi ko sayo to na kahit anong mangyari wag kang papayag sa mangyayari. Gumawa ka ng paraan o gumawa kayo ng paraan ni By na hindi matuloy 'to. Wag mo siyang saktan, wag mo siyang iwan at kung mahal mo talaga siya makakahanap ka ng paraan para iwasan ang nangyayari."

Naramdaman ko ulit na tumayo na siya at naglakad pero huminto din.

"Wag mong isuko ang pag-ibig mo sa kanya dahil alam kong mahal ka na rin niya..." Mahina ngunit umabot iyon sa tenga ko.

Umalis na siya at naging tahimik na ang lahat. Tanging pagpatak na lang ng ulan ang nag-ingay na bumabagsak sa bubong nitong lobby.

Sana nga. Sana nga mahal na niya din ako. Sana totoo...

Sa tagal kong naglagi dun biglang may humila ng malakas sa'kin para mapatayo ako. Sa lakas tumama pa ako sa isang bakal na poste nitong lobby.
Itinapon pa ako ng pasalampak.

A-Ang sakit!

"Walang hiya kang bata ka. Pinahiya mo kami ng Mom mo kanina!"

Di ko na siya pinansin at tumayo para umalis.

Alam kong sumunod sila. Sasakay na ako at pagbukas ko ng pintuan naabutan ko ang kapatid ko na mag-isa dun. Napalingon siya sa'kin at umusog para makaupo ako. Sinarado ko na at sila Mom naman ang pumasok sa harap namin.

Wala kaming imik dalawa. Sila Mom and Dad panay ang salita galit na galit sila ngayon. Si Dad ang grabe!

Di ko pinasok sa tenga ang mga sinabi nilang wala namang kwenta pakinggan.

Nang makapasok sa bahay kinwelyuhan ako ni Dad at sinuntok ng malakas.

Panay ang saway ni Mom pero parang wala na sa sarili si Dad. Sinugod niya pa ako at pinagsusuntok pa ng sunod-sunod. Hinayaan ko dahil ayokong pumatol sa Dad ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Dad ko siya,"..Gino! Tama na naman, oh? Nasasaktan mo na ang bata," iyak ni Mom.

"Hindi! Dapat turuan ng leksyon ang batang to. Wala siya ng karapatang bastusin tayo, sa harap pa talaga nila. Sinigawan niya tayo dun, sinong hindi magagalit, ha? Dahil ba...malaki ka na, sa tingin mo pwede mo na kaming sagutin?"

Kinwelyuhan niya ulit ako,"..dahil ba sa tingin mo kaya mo nang tumayo sa sarili mo. Kaya mo na kahit mag-isa? Kaya mo nang wala na kami, na hindi na susuporta sa'yo ganun ba, Gh²?!!"

"Dad! Stop it!" Pigil ng kapatid ko.

"Wag kang makialam, isa ka pa!" Lalapitan na niya sana ang kapatid ko para sampalin. Kaya lang pinigilan ko ang gagawin niya.

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon