CHAPTER 67

16 6 0
                                    

Chapter 67

@KayptainRB

SI Rabe ang pinasama ni Mom sa'kin sa Mall. Imi-make over daw ako. Para sa darating na Party matapos kaming mag-graduate. May party para sa mga Seniors para naman daw masulit ang last namin sa school na yun.

Mas excited pa nga si Mom and Dad kesa sa'kin. Tsk...sabi naman ni Rabe wala akong dapat ikabahala kasi siya daw ang tatayong partner ko kasi wala na akong jowa.

"Sabi ng ako na lang sana!" Maktol ko ulit. Andito kami ngayon sa kotse niya.

Ang ibig kong sabihin ay ako na lang sana ang pupunta sa Mall mag-isa. I don't need kasama.

Pinaandar na niya ito.

"Sus! Ngayong ginaganyan-ganyan mo na ako. Eh nung una may paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Binasa mo pa ng sobra ang mamahaling damit ko sa luha mo. Broken kasi..." Parinig niya.

Yes, inaamin ko. Gosh! Kakahiya isipin na nagawa ko yun.

"Gosh! Wala ako sa sarili nun noh?!"

"Wala nga ba? Nag-smile ka pa nga sa'kin. Yieee..." Inalis niya isa niyang kamay sa manibela para sundutin ang bewang ko.

Bago pa nakaabot tinampal ko na to at binalik niya rin sa pwesto nito. Patawa-tawa pa.

"Hulaan ko...matapos mong ma-make over mamaya mas lalo ka pang gaganda," aniya.

"Kinilig ako dyan ah?"

"Ayieeee..." Ayan na naman ang kamay niya handa ng manundot pero handa din naman ang kamay kong mantampal.

Nakarating kami sa Mall at pinuntahan na naman ang sinasabi ni Mom sa'min na dapat puntahan. Friend of her daw. Suki na din kaya sulit.

"Ohw, ikaw na ba si By?" Sabi nung magandang babae.

Ka-edad lang ni Mom na nasa 30's.

"Opo."

"Grabe ang ganda pala ng anak ni Mare eh?!" Iling-iling pa siyang nakatingin sa'kin.

"...at ikaw?" Baling niya kay Rabe.

"Rabe po."

"Wait—? Familiar...oh-ohwwwww OMG ikaw na yan? Kyahhhh!" Niyakap niya pa ng mahigpit si Rabe.

"Ninang hahaha," aha! So, ninang niya pala yan.

Soka!

Matapos nun sinimulan na nila ang pag-make over daw sa'kin. To tell the truth, di na sana ako kailangan pang ayusan kasi maganda na ako. Wala ng makakapantay basta ako.

Nakatulog ako ng ilang saglit at paggising nakita kong nakatunghay si Rabe sa'kin.

"Gutom ka na?" He asked.

Pinakiramdaman ko ang tyan ko.

"Maybe," he smiled.

"Kain ka na. May binili ako kanina," umalis siya at may kinuha.

Nilibot ko pa paningin ko dun ko na kita ang iba.

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon