CHAPTER 59

10 6 0
                                    

Chapter 59

@KayptainRB

His P.O.V

ILANG araw pa ang lumipas. Mga lima na? Pero hanggang ngayon di pa rin niya binabawi ang sinabi niya. Umaasa pa rin ako na babawiin na niya at pinapangakong hindi ko na siya pagsasalitaan ng masama o ano pa. Aalagaan ko na siya at iintindihin palagi. Basta bumalik lang siya.

~Tok~Tok~Tok~

Napabangon ako sa katok na yun.
"Pasok!"

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Mom.

"Mom."

"Mmm, how are you? You look pale?"

Iniwas ko ang mukha ko para di niya makita.

"What's yours, Mom?"

"Change some decent clothes. We will attend a special dinner."

"Business partner of your Dad, okay? Don't ask, just follow me!" Tiningnan ko kasi siya ng may pagtatanong.

"Mom. Bakit kasama pa ako?"

"Kailangan buong pamilya."

Rereklamo pa sana ako kaya lang nagmamadali na siya ng tumakbo paalis. Isip-bata!

Nagbihis na lang din ako. Kahit labag sa loob ko at wala akong gana dahil broken pa ang heart ko. Sunod na lang!

Naabutan ko sila sa sala naghihintay. Nakita ko pa kapatid ko na hindi na maipinta ang mukha. Grabe makabusangot. Ampanget! Gusto ko sanang tumawa kaya lang naalala ko na broken nga si heart okay tigilan mo ako.

"What's with that face?" Asar na tanong ko sa kanya.

"Tigilan mo ako, broken-hearted!"

"Suntukin kita dyan!"

"Sisipain din kita!"

"Hep hep! Enough aalis na tayo tigilan niyo na ang away away na yan. Kayo talaga," iiling-iling na saway ni Mom. Nakatawa lang sa tabi niya si Dad.

Tiningnan ko lang ng masama ang babaeng yan. Siya naman inirapan ako at umuna na sa paglabas. Nalaman niya kasi ang tungkol sa'min ni By. Chismosa yan kaya walang imposibleng di malalaman niyan.

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Di ko na pinagtuunan ng pansin ang pangalan. Bahala na siya dyan basta lakad lang ang ginawa ko. Matapos kaming i-welcome ng Security Guard. Iginiya kami ng isang babae sa table na naka-reserba. May nakaupo na dung dalawang tao, klarong mga mayayaman talaga. Pananamit palang at sa kilos ng mga ito obvious na.

Nagbatian sila kami ng kapatid ko magkatabi sa gilid at pinagmanasdan sila. Panay ang bulong ng kung anu-ano ng katabi ko.

"Baka naman spell na yan, ah. Di na ako mabibigla kung bigla na lang silang humandusay sa lupa," bulong ko dito.

Siniko niya ako ng malakas,"..aray!" Susuntukin ko na sana siya kaya lang tinawag kami nila Dad and Mom. Pagtingin ko nakatingin na silang lahat sa'min.
Sabay kaming tumungo sa kanila.

"I see." Naabutan kong sabi ng babae.

"Sit down." Sumenyas siya.

"...our daughter is not yet here." Yun lang ang narinig ko sa sinabi ng lalaking kaharap namin. Mag-asawa sila at sigurado akong mag-kaedad lang sila Mom nila.

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon