CHAPTER 34

14 10 18
                                    

Chapter 34

@KayptainRB

Her P.O.V

BUMABA ako sa kotse niya ng walang paalam. Para san pa 'di ako mahilig mag-paalam sa 'di ko close.

Bahala siya sa buhay niya! Pumayag lang ako dahil male-late na ako. Wala din si Manong kaya WOW!

Pagbukas ng elevator nabungaran ko agad ang nag-uumpukang mga estudyante dito sa hallway ng 3rd floor. Anmeron?

Na-curios ako kaya lumakad ako papunta dun. 'Di ko makita kung anong meron, marami kasing nakaharang na mga bruha. Ang babaho at ang papanget pa. Gosh!

Kinalabit ko ang isang bruha na nakaharang sa harap ko. Kinalabit ko pa.

"Wag ka nga!" Sabi niya. Aba!

Kinalabit ko ulit.

"Sabing wag! Ba't ba ang kulit m—" 'di na niya natapos pagka-harap niya kasi agad nanlaki mata niya dahil nakita ako.

Pinagtagtaasan ko siya ng kilay,"..s-sorry. OhMGeeeee...." Napabulong niyang ani. Tapos dali-daling kinalabit ang nasa harapan.

Nagtinginan ito sa babaeng panget na kinalabit ko at ng makita ako agad nanlaki mata nila. Walang isang segundo nahati ang mga ito, nagkanya-kanyang tabi sa bawat banda. Yan! That's what I like! Tumabi kayo dapat padaanin ang Queen. Padaanin ang maganda!

Nang makita ko ang pinag-umpukan nila. Agad napaikot ang mata ko. Ayan na naman sila. Kainis! Kabwisit mga bitches na 'to. Feeling maganda! Maganda naman!

Gusto kong matawa! Bakit? May pinaiyak na naman kasing lalaki 'tong mga bitches. Tinatawanan pa nila yung lalaki. He's weeping like a child! Kawawa!

"Inaano niyo na naman ba yan?" Untag ko.

Napalingon sila sa'kin at mas lalong tumawa. Mga bitch!

"Ewan! Biglang umiyak na parang baliw dyan eh!" Si S.

Lumapit ako sa lalaki pero may distansya. Kinlaro ko ang mukha nito. 'Di ko pamilyar. Sino ba 'to?

"Who is he? He's not familiar?" Tanong ko pero nakatingin pa rin sa lalaking iyon.

Patuloy pa ring umaagos ang kanyang luha. Mukhang masakit talaga pinagdadaanan mo, boy! Kawawa! Pag-ibig nga naman.

"He's the Ex of Sly! Inaway niya!" It's V.

"No way! Inaway?! Luhhh 'di ko yan inaway noh panget niyan!" Tanggi pa ni S. Tumabi siya sa'kin at nilapit ang mukha niya sa lalaki. Pero medyo malayo.

"Ba't ka umiiyak sabihin mo kay By? 'Di kita inaway diba?" Nakita kong may bumahid na sakit sa mukha ng lalaking iyon.

Infairness may itsura pa rin siya kahit umiiyak na. Pogi ang bruho!

"Alis nga dyan!" Iwinaksi ko si S,"..tinatakot mo yung tao!" Tatawa-tawa naman siyang umatras. Bitch talaga!

"Inaano ka ng bitch na yan?" Seryoso kong tanong.

Umiling lang siya,"..sagot?!" Mas lalong umiling. Sarap pilipitin ng leeg. Masikreto pa si kowya!

"So, secret lang yun? Bawal sabihin?" Sarcastic kong tanong.

Sa halip na sumagot tumayo ito sa kanyang pagkaka-upo at pinagpagan ang sarili. Magka-lapit lang kami pero 'di talaga masyado. May distance ng konti.

"Next time ko na lang sasabihin sorry," mahinang pagkakasabi niya sa'kin.

Kumunot noo ko nagtaka, nagtanong, nagkamot bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot. Just kidding!

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon