DERNIÈRE

35 7 0
                                    

Dernière,


DAHAN-DAHAN akong lumapit sa pwesto niya at lumuhod din kagaya ng posisyon niya. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nagulat siya at nagmamadaling nagpunas ng luha.

Natutuwa ako. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nagugulat siya sumasaya ang puso ko. Ang cute niya kasing tingnan.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Nanatili lang akong nakatitig sa harap namin at umastang di ko siya narinig.

Thucydides Chrisse

Born on July 22, 2000
Died on August 30,2020

So, ang Thud ay Thucydides pala? Familiar ah parang nabasa ko na noon sa libro? San nga ba yun? Nakalimutan ko na.

Kawawa naman! Umiling ako para ialis ang isiping yun. Di dapat ako nagsasabi ng ganun.

"I'm here because of you..."

"Hah! A-Akala ko siya ang ipinunta mo," turo niya sa lapida.

"Hindi kami magkakilala kaya bakit-?"

"So, ano nga bang ginagawa mo dito?!"

"May itatanong lang ako," nakita ko siyang napatingin sa'kin.

"May nakapagsabi sa'kin na madalas kayong nagkikita at nakita niya ang mga posibleng patunay pa na...posibleng meron kayo. Parang may something nga din sa inyo na-"

"So, what are you trying to say here?"

"Na kung sino ba talagang nauna sa'min? Sino ang totoo mong mahal? Ako o siya? Ah, wag mo na palang sagutin alam ko na ang sagot nakita ko na base sa reaksyon mo. Sumama ka-"

"What the fuck?!!" Napatayo siya hindi makapaniwala,"..anong pinagsasabi mo? Nasiraan ka na ba? Pumunta ka lang dito para itanong ang mga yan? Na pinagdudahan niyo rin siya na may relasyon kami? Wth? Pinagsasabi mo? Kapal ng mukha mong isali pa siya???!!!!"

Tumayo na rin ako at nagpagpag muna bago tumingin sa kanya. Kita ko sa mata niya ang...inis o galit na ba yan?

"WAG NA WAG MO ULIT SUSUBUKANG ISALI SIYA! HINDI MO ALAM KUNG ANONG MERON SA'MIN? IMPORTANTE SIYA...i-importante s-siya sa'kin." Humihikbi niyang ani.

Di ko siya maatim na tingnan habang ganyan ang sitwasyon.











NAKATAYO kaming dalawa dito sa gitna ng park kung saan ko siya pinakiusapan na punta kahit saglit lang. May sasabihin kasi ako sa kanya.

"Ano na naman bang pag-uusapan natin? Tapos na tayo kanina alam mo yun CLOW!"

"Pag-uusapan ulit natin siya."

"Ano?!! Ayan ka na naman eh, sabing tapos na yun at binalaan na kita na wag na ulit siyang idadamay sa kabaliwan mo!"

"Kabaliwan ko sa'yo?" Nakataas kilay kong tanong animo nagtatanong.

"Stop! Aalis na ako wala tong silbi eh," padyak niya.

"Siya ba o ako?" Napahinto siya at diretsong napatingin sa'kin.

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon