CHAPTER 70

15 6 0
                                    

Chapter 70

@KayptainRB

BUMABA ako mismo dito sa harap ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal nilang dalawa. Tinuloy nga nila at di ko mapigilan ang sarili kong di makapunta. Kailangang may gawin ako.

Nakasuot ako ngayon ng pulang tube at pinaresan ng highwaist na pantalon para bagay sa event na magaganap. Parang kontrabida lang ang peg noh? Hahahaha ganun talaga kapag maganda. Well, wala akong balak na pigilan ang kasal. Ano ba ako santa?

Nilakad ko na ang pasukan ng simbahan. Tahimik na at alam kong nasa loob na ang mga ikakasal at ang mga dumalo. Tanging tunog lang ng takong ko ang maririnig na tumataginting sa sementong daan. Syempre pinaghandaan ko din ang sandal na toh pula din at may taas na 6 inch para mas lalo akong tumaas. Maganda na nga mataas pa hay...grabeng biyaya. Muntik ng sumobra.

Nakasarado na ang malaking brown na pinto at malayo palang nakita ko nang may nagaabang na dito. Napangiti ako ng konti. Part of my plan...

Yumuko ito pagkakita niya sa'kin,"..good job, Sky Flakes!"

Ininangat niya ang tingin niya at ngumiti ng matalim.

"Of course ako pa!"

Tumitig ako sa malaking pinto na nasa harap ko. Alam kong sa loob nito magkakaalaman na lahat. Sa loob ng pintong toh ay andun ang mga taong importante sa'kin. Mga bitches and their families na kahit ayaw pumunta, nakapunta nalang dahil sa pinilit. My parents and Rabe they're both there too. They can't refused Rivera's invitation...at higit sa lahat sila.

"Nagsisimula na ba sila?" I asked him.

Umiling siya at sumimangot,"..malapit na. Sakto ka lang," I just nodded of what he just said.

Sabi niya hintayin namin ang signal ng nasa taas para sakto ang pasok ko.

May mga sinabi pa siya bago sumilip ang nasa taas at sumenyas na magka-count gamit ang kamay 3-1. Tumango muna siya. Huminga muna ako ng malalim para maghanda sa pagbukas. Kahit dito naririnig ko na ang wedding song nila daw kuno.

Bumukas ng marahas ang pintuan at unti-unti ko silang nakikita sa harap kapwa nakaharap sa pari na magkakasal. Di pa sila lumilingon pero ang ilang mga nasa upuan ay napatingin na sa'kin gamit ang gulat nilang mukha.

May nakita na akong mga takot sa mga mata nila at alam ko kung bakit. Natatakot sila na pipigilan ko ang nagaganap na kasalan ngayon. Sorry nalang sila dahil hindi yun ang plano ko.

Walang kasin-sama ang ipinukol kong tingin sa harap. Unti-unti nang napapalingon ang dalawang taong kinamumuhian ko ngayon. Magkaiba ang naging reaksyon nila may takot at saya.

Tahimik ng lahat walang gustong magsalita kaya ako nalang ang uuna.

"I'm not here to stop this nonsense wedding. Nandito ako para bigyan kayo ng basbas..." patuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa kanila habang nagsasalita,"..ang basbas na gugustuhin niyo. Ang wish ko naman sa inyo ay sana maging happy kayo at sisiguraduhin kong may," sinadya kong ipabitin habang nakaharap sa kanila.

Tumalikod ako para maharap ang dagat na tao.

"..malaki akong sorpresa sa inyo!"

Nag-cross arm ako at tumayo na parang kung sino.

"Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para tapusin ang seremonyang toh at kung hindi niyo nagawa well dun ko na ilalabas ang sorpresa ko. Sige...go on father continue what you've done!"

Tumabi ako sa isang gilid. Wala akong tiningnan na kahit ni isa sa kanila. I'm just staring at the shiny floor nasasalamin ko na sarili ko na nakatayo na parang devil. Pssh...

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon