CHAPTER 55

11 6 0
                                    

Chapter 55

@KayptainRB

His P.O.V

"BRO, isuot mo 'to!" Napalingon naman ako kay David.

May iniaabot siyang isang bag.

"Ano ba yan?"

"Damit. Isuot mo para couple tayong magkaka-bro ngayon." Itinaas niya pa kilay niya kumikindat.

"Remember, valentines ngayon?"

"Bakit kailangan pang magsuot-suot ng ganyan?"

"Para nga makisabay sa valentines. Dami mong tanong, dali na!"

"San sayo?" Tanong ko baka ako lang pagsusuotin ng ganyan.

"Nasa bag. Don't worry sabay tayong lahat magpapalit ng suot," paninigurado niya.

Tinanggap ko na rin at kinuha kung ano ang nasa loob. Red na T-shirt na may nakasulat sa harap na 'SHE'S MINE'.

Napangiwi ako,"..ano to? Pinagloloko mo ba ako David?"

She's mine ang nakatatak tapos wala naman akong jowa. Ano to akin siya? Sino ba?

"Di ah. Para akalain nila na taken ka na ganun yun. Tara palit na tayo dun!" Umuna na siyang umalis,"..di natin alam maraming babaeng naulol ngayon dahil walang ka-date. Baka lapitan tayo yankkkk..."

Isinilid ko na lang ulit ang damit at sumunod na sa kanya.

Ang ingay nila at magbibihis na din daw sila. Nagsipasukan na sila sa kanya-kanyang cubicle. Hiya pa wala namang maninilip sa kanila. Wala din silang abs talo sila sa'kin ako may abs tapos v-line. Yummy!😝

Di biro lang!

Pumasok na lang din ako. Nilabas ko ang damit at pinagmasdan ulit.

SHE'S MINE.

Hinubad ko ang damit ko bago isinuot ang T-shirt na red na may nakalagay na 'SHE'S MINE'.

Palabas na ako at nag-hum ako ng paborito kong kanta.

Iaangat ko na sana yung tingin ko kasi may nagtakip sa mata ko.

Piniringan akooo!

Kinuha din ang kamay ko at tinalian sa likod.

Anong—?

"Hoy! Anong ginagawa niyooo?!" Pinilit kong makawala sa hawak nila kaso mukhang marami sila.

"Hoy! Hoy! Pakawalan niyo ako. Tanggalin niyo ang ipiniring niyo. Mgawalangya!"

"Hahaha sorry bro napag-utusan lang kami." Alam kong si Blake yun.

"David! David! Humanda ka talaga sa'kin mamaya. Papatayin talaga kitaaa!" Narinig ko lang siyang tumawa.

Umaalpas pa rin ako pero wala pa ring silbi. Ang dami nilang nakabantay sa'kin pano ako makakaalis.

"Di lang si David ang dapat maghanda kayo din!"

"Opo!" Nagsipagsagutan sila. Tinatawanan pa rin nila ako.

Ako dito walang ibang makita kundi sobrang dilim. Ang higpit pa ng pagkakapiring nila sa'kin. Sakit na tuloy ng mata ko.

"Hoy, Cai ang higpit ng piring, sumasakit na mata kooo!" Siya kasi ang nasa tabi ko.

"Maya na Hugh konting tiis nalang malapit na tayo."

"~Konting tiis na lang magkakasama na tayo~"

His Beautiful Bitch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon