PART FOUR - BE IN LOVE :)

154 7 8
                                    

Start na ng second semester, masaya akong papasok ngayon, kase makikita ko na ang mga makukulit at maiingay kong kaibigan.. Yahhoooo! At syempre, masaya ako kase may another semester na naman akong inaasahan sa love story namin ng bangkay kong crush... ^__^

Pero bago yan.. Alam nyo ba nung semestral break namin? My nalaman ako.. Dinalaw ko ang profile ni Alex sa fb.. At meron dun latest na news about kung sino yung mga new friends nya...

May nakita ako dun, yung maganda kong kaibigan at kaklase na parang crush ng buong campus ay friend nya.. Oo, inaamin ko, na-hurt din talaga ako kase alam nung kaibigan ko na may gusto ako kay Alex, alam ko naman na si Skeleton ang nag-add sa kanya, pero kahhit na..  Baka kaya ako nagkakaganito ay dahil sa insecurity? or jealousy? or Both?!

.

.

.

.

.

Ano nga ulit hitsura nya??

Hindi sya gwapo, muka syang trying hard na bangkay sa pag-papalaki ng katawan nya. 

HAHAHAHA! Oo na, kawawa na kung kawawa, okay lang yun, hindi naman nya alam ang mga panlalait na ginagawa ko sa kanya..

Oo nga pala, mukang medyo mahihirapan na akong makita sya, kase medyo complicated ang schedule ko, walang vacant tapos iisang room lang ang ginagamit namin..

Paano ko na lang malilibot ang school ganito kahirap ang schedule namin? Yung schedule nya, ewan ko, wala akong alam... Pero syempre naman, kahit medyo pinoproblema ko ang mga pagkakataon na hindi kami magkikita, hindi parin naman ako nawawalan ng pag-asa na mangyayari yun...

Nagsimula na ang unang klase namin, sinundan ng pangalwa, pangatlo, pang-apat... Lunch... at pang-lima...  

May 5 subjects lang kami ngayong araw, pero hindi parin kami nag-kikita, isa pa,  wala na kaming subject na anatomy, kaya hindi ko narin sya makikitang nagte-training. 

T.T

Makapag-stop nalang rin kaya sa pag-aaral??! HAHAHAHAH! JOKE LANG! Syempre naman diba, hindi naman sya ang nagbabayad ng tuition fee ko! Wahaha!

Ilang linggo narin ang nakakaran simula nung pasukan pero hindi ko parin talaga sya nakikta, kahit yung katiting na buto nya, wala...

Pero ngayong araw na'to Malakas ang pakiramdam ko na magkikita kami... 

Maaga kaming dinissmiss nung professor namin sa last subject before lunch, kaya nag- CR muna kami. Pabalik na kami mula sa CR, ay natanong ni Regh na parang si Skeleton yun. Sinilip ko pero hindi ko masyadong nakita..

"Yin.. SYA NGA! " 

Biglang naramdaman ko na parang may humahabol sa puso ko, ang bilis ng tibok nya... Siguro dahil nag-hihintay rin sila ng pag-bukas ng elevator.

Ako. Keme lang. Masaya ako pero alam nyo naman, hindi ko pinapahalata na masaya ako kapag mga ganyang eksena.. Tahimik lang ako at hindi nagsasalita, samantalang ang mga bruha kong kaibigan ay parang mammatay na sa sobrang tawa, sabi nila sa sobrang klig din daw. HAHA! Ako rin naman kinikilig eh! Pero slight lang! Wag nga kayo! 

Ang landi lang?! Hahaha!

"Yin. Ang likot nya, di sya mapakali. Tapos. Tumitingin sya sayo! yiiieeee! Kinikilig ako!" - Kristine

Ewan ko ba! Hindi ko alam kung minsan papaniwalaan ko si Kristine o hindi.

Gusto kong maniwala, minsan ayaw ko rin, baka umasa lang ako eh...

My Anatomic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon