PART TWO - One sided love?

154 9 2
                                    

A/N: Gusto ko muna mag-hi sa inyo! Sa mga bumabasa ng author's note na 'to.. Mahal ko kayo! :)) Thank you sa pag suggest na lagayan ko na Part two ito.. Di nyo lam kung gaano nyo pinapataba ang heart ko,! :) Thank you din sa mga naapektuhan ng part 1.. haha! Nakakatuwa.. Puro naiinis at nalulungkot naging rection nyo.. Hindi ko alam na may feelings pala yung story.. :))

Hindi ko alam kung magugustuhan nyo ang update kong 'to.. Pero mag-coment lang kayo kung anong napuna nyo, o kung anong gusto nyong sabihin, o kung anong naging reaction nyo, basta... Kaya nga comment eh... ang gulo kong tao talaga! hAHAHA! Tumatanggap po ako ng suggestions, kung may mga mali akong nasabi or kahit ano, just post it.. Para maitama natin sa susunod.. Ok? Maraming salamat! <3

Are you ready?? Simulan na ang gyera!  :))) . Joke! :))

Yin's pov

"Oo na alam kong andyan sya.." Ang kulit kasi ng mga tao ngayon, sinabi ng nakita ko na nga si Alex. Kung kaya ko nga lang pigilan ang sarili kong tingnan sya, ginawa ko na, pero kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko.. 

"Ehem! EeeHem!" Baliw na mga kaibigan, nag-siubuhan pa ng peke habang nakasalubong namin si Skeleton. Ang mga kaibigan parang mga timang, imbis na pangalagaan ang sekreto na pinakatiwala mo, lalo ka pang ipapahamak at lalo pa silang gagawa ng paaraan para malaman ng crush mo na may gusto ka.

Kaya ayaw kopng sinasabi ang gusto ko eh, alam kong ganito ang kahihinatnan, kahit na hindi naman mawawala sa'kin na syempre kahit papano, gusto ko rin naman na makilala at mapansin ako ni Alex.

Pero gaya nga ng sinabi ko, malabo pa yun sa dinuguan.

Hindi ko sila pinansin, tiningnan ko lang sila ng masama, pero syempre smiling face ako sa kanila. Hindi ko nga magawang magalit, ang gusto lang naman nila ay sumaya ako.

"Halaalaaa! Yin.. Tinitingnan ka nya kanina! Yieee! Kinikilig ako!"  Kilig your face! Pinipilit kong 'wag maniwala sa sinabni ni Kristine. Kasi ayaw ko rin namang umasa, diba, mamaya kase masaktan na naman ako sa pagiging-assumera ko.

Ayaw ko..

"Kalokahan mo.. Asa! Pede siguro, sa panaginip." 

"Seryoso.. Kasi diba, nung paakyat palang sya, nag-ehem na kami? Eh saktong pababa tayo, tapos nung pagka-lagpas natin sa kanya, sayo talaga sya nakatingin. Yieeeee" 

"Ewan ko sayo..Baka naduling ka lang at hindi mo sya natingnan ng maayos?!" Okay.. KJ na kung KJ.. May girlfriend yung tao kaya ayaw ko ng paasahin ang sarili ko..

Pero syempre, joke lang yun, kahit konting-konti, natuwa parin ako sa sinabi ni Kristine, aaminin ko, kinilig ako dun, pero t'wing maiisip ko yung narinig ko sa CR na kinantahan padaw nung babae si Alex, parang gusto ko syang kalbuhin at ibitin ng patiwarik.! 

Nakakatawang isipin at sabihin pero, alam nyo bang, gusto kong pumasok palagi at gustong-gusto kong nililibot ang school? Nagbabaka-sakali lang na BAKA magkasalubong kami, tapos may mangyaring maganda. Kunwari, mahuhulog yung panyo or ballpen ko, tapos pupulutin nya at ibibigay sa akin. Oh Diba?? Napaka-ganda ng naiisip ko..? Pero hindi naman yata yun nangyayari sa totoong buhay eh.

Minsan nga, sumama ako sa kaklase ko, sa fourt floor baka sakaling makita ko sya, magpapa-xerox kami nun ng hand outs para sa Logic, habang nagpapa-xerox yung dalawa kong kaibigan, palinga-linga ako sa paligid, baka kasi nandun lang sya, pero sa kasamaang palad ay nabigo ako. Bumaba kami ng basement sa cafeteria ng walang nangyari..

As in, hindi maipinta yung pag-mumuka ko, kaya nga hiyang-hiya ako sa mga tao na naghihintay sa pag-bukas ng elevator, ang dami pala nila dun tapos yung muka ko, luging-lugi... Hindi ko na tiningnan o nakita man yung mga taong naghihintay sa elevator, nagpunta nalang kami dun sa table kung saan andun yung mga kaibigan naming iba.

My Anatomic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon