ALEX JEREMY'S POV
Badtrip na naman na umaga 'to! Badtrip na nga sa bahay pati ba naman dito! Pambihira naman oh! Wala na naman nadaan na bus. Kaninang-kanina pa ako nakatayo dito, mala-late parin yata.!
Badtrip akong umalis ng bahay, pano ba naman, hindi ako binigyan ni Mommy ng pera. Sinabing may babayaran nga kami para sa cooking class namin, pinaghahanapan pa ako ng ipon nung isang linggo. Tss.! Bakit ba ako nag-aaksaya ng panahon banggitin ang mga ganitong sitwasyon?!
Ayan na, may bus na sa wakas.. May pumara ng babae, nagpunta na agad ako dun sa mismong tinigilan nung bus.. Marami ding nag-hihintay, may mga schoolmates pa nga akong nakita, pero pasensyahan na, late at badtrip ako ngayon kaya walang babae, matanda o kahit sino pa, hindi ako gentleman ngayon..
Umuna na akong umakyat sa bus.
Halatang kong may naiinis na babae, pero di ko masyadong tiningnan yung muka, kase nga mas nauna na akong umakyat, tsaka pakealam ko sakanya??! Nanay ko ba sya para magalit sa'kin? Kung nanay ko nga sinasagot ko..
Hindi ko ba alam sa mga babae, masyado silang maarte at mahirap timplahan ang ugali nila... >.<
Wala pa naman pala yung professor namin na boring pag dating ko sa classroom pero nag-bell na..
Wala namang masyadong ginawa ngayong mag-hapon..
Hindi ko pa nakita yung crush ko, tapos kailangan ko pa isabay si Sienna.
Pero alam nyo may napapansin lang kase akong isang bagay, madalas akong may nakakasakay na babae na napasok din sa same University na pinapasukan ko. Ang bading ng aaminin ko sa inyo, pero sya ang babaeng gusto ko. Matagal ko na syang napapansin, pero hindi ko maamin sa kanya at lalo sa sarili ko na may gusto ako sa kanya.
Hindi naman "daw" maganda sabi ng mga kaibigan kong gago na pake-alamero, pero attracted ako sa kanya, tsaka maganda sya para sa akin. Bulag lang talaga ang mga yun, pangalwa syang maganda sa paningin ko, una syempre yung Nanay ko, kahit sinasagot ko sya paminsan-minsan, mahal na mahal ko yun.
Natuwa pa ako nun ng malaman na pareho kami ng way pauwi.
May mga nagugustuhan narin ako nung highschool, at di ko nga alam kung nag-kakataon lang, pero lahat ng nagugustuhan ko ay may braces.
Siguro nga masama ako, kasi may gusto akong iba kahit na may girlfriend ako. Wala akong magagawa, ayoko rin naman sa ganitong sitwasyon.
----
Miss na miss ko ng pumasok, nandito lang ako sa bahay at nagpapahinga, nagkasakit ako eh, kaya nag facebook nalang ako at nag-status..
"Bakit ang mga nagugustuhan ko puro may braces? :) hahaha!" Maraming nag-comment, yung iba, kilala daw nila, yung iba gusto daw nila yun para sakin, at yung iba nang-asar lang...
Pero wala naman sa kanila ang nakaka-alam ng kung sino ang tinutukoy ko sa status kong yan. Pwera yung mga kaibigan ko ngang pakealamerong mga bulag, nabasa nila yan, pero puro like lang, mabuti di nag-comment, at, lilinawin ko lang, pa-play safe nga yung status ko eh, yung "girlfriend" ko kasi ay may braces din. Tss. Hirap ng ganito!
---
Isang linggo rin akong absent, sabi nila Mommy, absent nalang daw muna ako, pero ayoko ng magmukmok sa bahay at hintayin na makagat na naman ng lamok. Oo, nagka-dengue ako kaya para na akong patpat ngayon na gumagalaw, pumayat ako lalo, payat na nga dati, mas pumayat pa ngayon..
Miss na miss ko nadin si Ano.. yung gusto ko na hindi ko alam pangalan.. CAS week nga pala ngayon, kaya naman pala nag-iingay na naman...
"Pare, yun yata yung gusto mo ohh?" - Patrick
BINABASA MO ANG
My Anatomic Love
ComédieMakakarelate kayo? Ito ang story na para sa mga taong bigo na nawawalan ng pag-asa.. Malay nyo, may magandang mangyari.. :) Sabi nga, kung may gusto ka sa isang tao o isang bagay.. Never give up.. FOLLOW YOUR HEARTBEAT. ... Just go with the flow, a...