Chapter 3
Tulalang nakahiga ako habang nakataas ang kamay at nakatitig sa singsing. Wow, I'm a married woman now. Who would've thought na isang Steel Kench Iasenwald ang papakasalan ko? Maraming babae ang naghahabol sa kaniya na mayayaman at magaganda pero sa'kin pa rin siya natali.
Kahapon ako sumagot ng oo sa kaniya at kinabukasan ay lumipad agad kaming dalawa papunta dito sa Paris para magpakasal. Sa simbahan pa rin naman kami ikinasal kaso nga lang ay kaming dalawa at ang pari lamang ang naroroon. Akala ko nga'y civil wedding ang mangyayari kasi mostly gano'n naman talaga sa Pilipinas kapag hindi sa simbahan ikakasal. Pinapirma at pinagsuot lang kami ng singsing no'ng pari at tapos na kaagad. Buti at walang you may now kiss the bride na naganap dahil hindi pa ako handa.
"It's your turn, Deldry." napalingon ako kay Kench na kakatapos pa lang mag-shower at may nakasabit na tuwalya sa balikat.
Tumayo kaagad ako at dumiretso sa bathroom. Medyo nalula pa ako sa laki at ganda ng bathroom sandali bago ako nagsimulang maligo. Nang matapos ay nagbihis kaagad ako saka lumabas na basa pa ang buhok. Naabutan ko siyang hirap na pinapatuyo ang buhok. Napangiti ako at lumapit sa kaniya saka inagaw ang tuwalya mula sa kamay niya.
"Ako na," sabi ko nang tumingala siya sa'kin. Walang nagsalita sa'min hanggang sa matuyo ang buhok niya. Binigay ko ang tuwalya sa kaniya pabalik bago naglakad papunta sa balcony ng hotel room namin.
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang Eiffel tower at ibang mga ilaw na ang sarap sa mata tingnan. Napapikit ako sa mata ko habang dinadama ang munting hangin na humahampas sa mukha ko. This feels so relaxing. Parang ang sarap ng dumito dahil talagang mare-relax ka at mawawala lahat ng stress mo.
"Wanna go there tomorrow?"
I opened my eyes and saw him standing beside me. He was pointing at the Eiffel tower. I shook my head countless times.
"Wag na kasi uuwi na tayo bukas dahil pareho tayong may pasok pa kinabukasan."
"I can cancel our flight."
"Wag na. Ayos na ako rito and at least I got to see it, right?"
He nodded and went behind me. I stilled when he took my towel and started drying my hair. I just let him do what he wants while looking at the scenery in front of me.
"Do you regret marrying me now?" He suddenly asked.
"No. Unless you'll give me reason to regret marrying you."
"I won't, promise. Let's just take it easy. The step-by-step procedure might help us get closer to each other. For now, let's start with being friends. Friends?" He offered his hand.
Humarap ako sa kaniya at tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Friends."
Every relationship starts with being friends. So being friends with my husband is not a bad thing. Ayos na rin 'yong ganito kesa sa walang improvement ang relasyon naming dalawa. And it might help us develop some feelings for each other, though, I don't know if that'll work.
"I'll sleep on the couch while you sleep here." He pointed the bed.
Nag-aaway kami kung sino ang matutulog sa sofa at sa kama dahil pareho naming gusto sa couch. He wants me to sleep in the bed habang siya ay sa couch kaso hindi ako pumayag kasi hindi naman siya magka-kasya doon.
"Ako na nga do'n total maliit ako kaya kasya lang ako ro'n. Sasakit 'yang katawan mo kapag do'n ka natulog kasi ang laki mo. It can't accommodate your size, Kench."
YOU ARE READING
The Lucky Collateral - COMPLETED
RomanceKelsey was just a simple girl but her world turned upside down when she found out that her father made her the collateral to his debt. In a blink of an eye, everything around her changed. From being a commoner student to a luckiest wife for having s...