CHAPTER 30

285 7 0
                                    

Chapter 30

"Wake her up."


I woke up feeling cold and wet. I am soaking wet! Nanlaki ang mata ko at kaagad na inilibot ang paningin sa paligid. Several men were standing meters away from me and they were all staring at me like anytime I would escape.



Saka ko lang naalala ang lalaking tumutok sa'kin ng baril sa parking lot. Wala na akong iba pang maalala bukod doon.



"Sino kayo?!" Sigaw ko.



I tried moving my body but I was tied up on the chair. Nakatali ang mga paa at kamay ko pati na rin ang tiyan ko ay may tali rin. Do they think I'm strong enough to escape from them to tie me up like this?



"What the hell do you want?!" Sigaw kong muli dahil walang sumagot sa nauna kong tanong.



"Pakawalan niyo ako dito! Ano ba! Pera, is that what you want from me?! Spill it out! Kung pera lang naman pala ang habo-"



I was cut off.



"Shut up, my love!"



Napapitlag ako sa ginawang pagsigaw ng isang lalaki. Binalingan ko ang direksyon ng boses niya at nakita ko kung paano dahan- dahang tumabi ang mga kalalakihan para padaanin siya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa ilaw na nasa likuran nito.



Huminto ang lalaki sa tapat ko at yumuko. I squinted my eyes to clearly see his face.



I groaned when he grabbed my jaw to lift my head. Gusto ko siyang sapakin dahil sa paraan nang pagkakahwak niya sa'kin. Paniguradong mamamaga ito mamaya dahil sa pagpwersa niya.


My eyes widened when I finally saw his face. It automatically watered and thoughts filled my mind again.



What is he doing? Ano 'to? Para saan 'tong ginagawa niya ngayon? Bakit ako? Maayos naman ang samahan namin noon pero anong nangyari?



"W-why... why did you betray me, Max?!"



"Betray?" sarkastiko siyang tumawa. "You were the one who betrayed me, Kelsey!"



"W-what are you saying?" Naguguluhan kong tanong.



Tinitigan niya ako sa mata na puno ng galit at pagkasuklam. HIndi ko alam kung ano ang sanhi at dahilan kung bakit galit na galit siya sa'kin ngayon. I don't remember doing anything that would anger him.



"You don't really remember me?" binitaawan niya ang mukha ko at tumalikod.



He used his hand to brush his hair backwards before facing me again. He squatted to be on the same level as my face.



"I thought you were showing signs of affection for me years ago, but I was wrong! You ended up marrying my brother's fucking bestfriend!"



I was beyond shock of what he said and I couldn't utter a single word. Parang biglang inagaw sa'kin ang boses ko sanhi upang hindi ko maibuka ang bibig para magtanong.



"Ako 'yong nauna, Kelsey, eh! Ako 'yong nauna mong makilala at makausap noong high school ka pa lang pero nakasal ka lang doon sa lalaking 'yon?! Tangina naman, Kelsey!"



"A-anong ibig m-mong s-sabihin?"




Tumayo siya saka malakas na sinipa ang upuan na nasa gilid niya. Napapikit ako dahil sa gulat. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.

The Lucky Collateral - COMPLETEDWhere stories live. Discover now