Mahaba sana dapat 'to eh kaso aksidente kong na press 'yong delete button sa keyboard huhu. Kaya ayan, ampanget ng kinalabasan. Napu- frustrate ako sa sarili ko. Amp!
Still, enjoy reading! Lovelots!😽
~•~
Chapter 25
"Are you really sure about this, Kelsey?"
Napatigil ako sa mula sa paglalagay ng mga damit sa loob ng maleta ko. Rina and Xam were also helping me packing some things that I might need while I stay at the condo.
"I'm sure about this. I'd be too worried if I just left." I answered Rina.
"But, isn't it more dangerous if you stay here? Nicolo might do something that can harm you, Kelsey," sabi ni Xam.
"Don't worry, girls. I can handle myself if something were to happen. Ayokong lang talagang umalis dahil baka may gawing masama laban sa inyo si Nicolo kapag nawala ako sa paningin niya."
Rina rolled her eyes. "Sino ba kasi 'yang Nicolo na 'yan? Paepal rin siya, ah!"
"Pa-bet masyado. Gwapo ba 'yon? I bet not." Xam seconded.
Napailing nalang ako bago tumayo at pumasok sa banyo para kunin ang iba ko pang mga gamit. Inilagay ko lang sa plastic bag ang mga kakailanganin ko katulad ng body wash, feminine wash, shampoo, at iba pa.
Nauna ng bumaba sina Rina pagkalabas ko kaya sumunod nalang ako at kinuha ang isang bag na naiwan. Nilalagay nilang dalawa ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Ibinigay ko lang ang mga hawak ko kay Rina at siya na ang umayos no'n sa likod.
"Ingat ka do'n, alright?"
Lumingo ako kay Xam. Ngumiti ako at niyakap siya.
"I will. It will just be for the meantime."
"Don't be marupok again, girl," sabi ni Rina pagkatapos masara ang compartment sa likod ng sasakyan ko.
Pinanliitan ko silang dalawa ng tingin. Tinawanan lang nila ako.
"Stop teasing me, girls!"
"What? Totoo naman kasi, Kelsey. Right, Xammy?"
Tumango si Xam kay Rina. Napairap nalang ako sa kanila.
"Oh, siya sige na. We won't tease you anymore. Pasensya ka na at hindi ka namin mahahatid do'n, girl." ani Rina.
"Bakit naman kasi kung kailan ang dami naming ginagawa ay saka ka babalik sa asawa mo?"
"Correction, soon to be ex-husband."
Umirap sa'kin si Rina. Naiiling lang si Xam sa'min.
"I doubt that Steel would let you off that easily, Kelsey. He always get what he wants ever since," saad ni Xam.
I shrugged my shoulders. "Let's not talk about him. Anyway, you better get going dahil baka ma-late kayo sa kaniya-kaniya niyong meeting."
They both kissed my cheeks before going inside their own cars. Sabay na binaba nila ang mga bintana para makita ko sila.
"Ingat ka doon, Kelsey. Call us if you get bored or something."
YOU ARE READING
The Lucky Collateral - COMPLETED
Roman d'amourKelsey was just a simple girl but her world turned upside down when she found out that her father made her the collateral to his debt. In a blink of an eye, everything around her changed. From being a commoner student to a luckiest wife for having s...