CHAPTER 12

273 7 0
                                    

Chapter 12

"Ate, your husband is bullying me again!" Sumbong ni Ivy.

I scratched my eyebrow before closing the book that I was holding.

Pareho silang nasa sahig at naglalaro ng snake and ladder na binili ni Ivy kahapon para naman daw may pagkaabalahan siya.

"Love, para ka namang bata. Tigilan mo na nga 'yang si Ivy."

Kench pouted saka sinamaan ng tingin si Ivy na binelatan lang siya.

"Hindi ko naman kasi kasalanang malas siya sa larong 'to, 'no! Ako ang asawa mo dito, Deldry. Ako. Ba't itong bubwit na 'to pa ang kinakampihan mo? You're hurting me, love." Madramang aniya.

"Stop being so madrama, Kench! It's so gross, you know!"

Napahilamos nalang ako sa mukha ko saka tumayo habang bitbit ang librong binabasa ko para lumipat sa kusina.

"Ewan ko ba sa inyo. Diyan na nga kayo."

Wala akong matatapos na kahit ano kapag kasama ko 'yong dalawang 'yon. Sakit ng ulo lang binibigay nila sa'kin.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa no'ng librong mapagkukunan ko ng idea sa ginagawa kong research paper. Nasa methodology palang ako at kulang pa ng conclusion at references iyong ginagawa ko.

Half an hour passed at nakakapagtaka dahil biglang tumahimik ang dalawang taong naglalaro kanina. I stood up from my seat to take a peek on them.

Nakita ko silang parehong tulog sa sahig at sabog na sabog ang mga hitsura. May mga nakaguhit at nakasulat pa sa mukha nila na hindi ko naman maintindihin. Ang dumi.

Umiling nalang ako saka bumalik sa kusina. Mag-a-alas sais na nang matapos ko lahat ng kailangan kong gawin. Nakapagluto na rin ako ng makakain namin pero tulog pa rin ang dalawa.

"Ivy, gising na." Niyugyog ko siya ng kaunti saka bumaling sa asawa ko. "Love, wake up. Anong oras na't tulog pa rin kayong dalawa."

They both groaned pero hindi pa rin nagising. Tumayo nalang ako at kumuha ng Bluetooth speaker sa kwarto namin saka ikinonekta ang phone ko. Nagdownload ako saglit ng rock songs bago inilagay sa gitna nila ang speaker na naka-full volume.

Nang i-play ko 'yon ay pati ako napatalon sa gulat dahil sa lakas nito na halos mabingi ako. Habang silang dalawa naman ay mas mabilis pa sa kabayong nagmulat ng mata saka tumayo habang nanlalaki ang mga mata at nakatakip pa ang mga kamay sa tenga.

Dala na rin siguro sa gulat kaya naitapon ng malakas ni Kench ang speaker sa pader dahilan upang masira iyon. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ivy na parehong nagulat rin.

"What the hell, Deldry?!" Sigaw ni Kench na ikinaigtad naming dalawa ni Ivy.

I pressed my lips together and looked down. My heart was beating so fast and my eyes were getting teary.

"Kita mo namang natutulog kami! You could've just woken us up in a nice and peaceful way! Hindi 'yong idadaan mo pa sa ganiyan, eh, alam mo namang nakakabadtrip 'yang ganiyan! Kelsey, hindi ka na bata!" Mababahiran ang galit sa boses niya.

"S-sorry."

Malakas siyang bumuga ng hangin saka pumasok sa kwarto namin at pabagsak na isinara ang pintuan. Napapikit nalang ako at bumuntong-hininga.

"Sa kwarto lang din ako, Ate. Hayaan mo't magkakabati rin kayo ni Kench mamaya. I won't eat dinner na, I'm full pa naman." Ivy tapped my shoulder before she entered my room.

I was left alone. I shouldn't have done that in the first place. Now my husband's angry at me. Gaga ka kasi kaya ayan tuloy!

"A-aray…" daing ko nang biglang sumigid ang sakit sa tiyan ko. Ilang araw na rin 'tong sumasakit pero hindi ko alam ang dahilan.

The Lucky Collateral - COMPLETEDWhere stories live. Discover now