Chapter 21
Kaagad kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa address ng hospital na sinabi ni Clive. Abot ang kabang nararamdaman ko habang nagmamaneho.
Ano ba kasi ang nangyari? Maayos pa naman 'yon kanina, ba't biglang gano'n? May bumangga ba dito? Sino?
Mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan. Mabuti nalang at walang ibang kotseng nakaharang sa daanan ko. Baka ako pa ang mabangga sa bilis ng takbo ko.
Iniwan ko lang sa tapat ng entrance ang sasakyan ko at mabilis na pumasok sa loob. Luminga- linga pa ako para hanapin sila. Nang hindi makita ay nilapitan ko ang isang nurse na naiwan sa nurse station.
"Ms. Can I ask?"
Binaba nito ang teleponong hawak at tumingin sa'kin.
"Ano po 'yon, Ma'am?"
"Nasaan 'yong pasyente nyong nabangga kanina? Anong room?" I quickly asked.
"Nabangga? Alin ho do'n, Ma'am?"
"Steel Iasenwald ang pangalan niya. Anong room siya?"
Saglit na nagtipa ito sa kaharap nitong computer bago ako sinagot.
"Nasa emergency room po ho ang pasyente, Ma'am. Lumiko lang ho kayo dito sa kaliwa at makikita niyo na kaagad ang ER."
"Thanks!"
Tumakbo ako sa direksyon na sinabi niya. Pagkaliko ko ay kaagad kong nakita sina Clive at Max na hindi mapakaling naglalakad. Nang makita nila ako ay saka lang sila tumigil.
"W-what happened?" Kinakabahang tanong ko.
Nagkatinginan sila at sabay na bumuntong hininga.
"Hindi namin alam kung ano ang eksaktong nangyari, Kelsey," sagot ni Max.
"Ilang oras na ba siyang nasa loob?"
"Mahigit dalawang oras na."
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Clive. Biglang nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya. Mabuti nalang at maagap akong nasalo ni Max at pinaupo sa upuan.
"Was it intentional?"
"I don't know, Kelsey. Wala na 'yong may-ari ng sasakyan na nakabangga sa kaniya. Ang sabi ng mga pulis kanina, naka autopilot raw 'yong sasakyan at walang nagmamaneho. Maaaring sinadya nga ang nangyari o sa iba dapat tatama ang sasakyang 'yon pero hinarang ng sasakyan ni Steel kasi posibleng ang mga batang naglalaro sa tabi ang masagasaan niyon."
Napahilamos ako sa mukha ko at napatulala nalang. Playing the hero, eh? Bumabawi na ba siya lahat ng maling nagawa niya noon? Does those children reminds him of our child? Siguro kung ako rin ang nasa posisyon niya ay gagawin ko rin ang ginawa niya. I can't blame him for saving those children's lives.
But still, it cost him his life. Buhay niya na ngayon ang nanganganib at nasa bingit ng kamatayan. What if he die? Paano nga kung sobrang lala no'ng impact na gawa ng aksidente sa kaniya? What if he choose not to fight? Paano kung mas piliin niyang samahan nalang ang anak namin kesa sa lumaban? Maiiwan na naman ako? Ako na naman mag-isa ang lalaban? Nawalan na ako ng anak, pati ba naman ang asawa ko ay kukunin rin?
Sa nangyayari ngayon, I just realized that the love I have for him didn't fade nor go away. Natabunan lang iyon ng galit, sakit, at guilt na nararamdaman ko. Sinisisi ko siya dahil sa pagkawala ng anak namin. I blamed him for all the misfortune that had happened to me before. Galit ako sa kaniya kasi siya 'yong nagtrigger sa'kin kaya nawala ang anak namin. Galit ako sa kaniya kasi he's willing to leave me just because Zaliyah needs him more than I do. Pakiramdam ko pinagtaksilan niya ako noon at hindi ko siya kayang patawarin. Pero sa kabila ng galit at paninising nararamdaman ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang sariling mahalin siya. My heart won't allow me to unlove him.
YOU ARE READING
The Lucky Collateral - COMPLETED
RomanceKelsey was just a simple girl but her world turned upside down when she found out that her father made her the collateral to his debt. In a blink of an eye, everything around her changed. From being a commoner student to a luckiest wife for having s...