Chapter 4
"Kench, I'll go now! See you later!" Sigaw ko mula sa tapat ng pinto niya dahil hindi pa siya lumalabas mula nang matapos kaming kumain.
"Wait up!" Sigaw niya pabalik.
Nag-antay nga ako sa kaniya kahit na malapit na akong ma-late. Mabuti nalang at kaya lang talagang lakarin ang school namin mula dito dahil baka mapalayas ko 'tong si Kench ng wala sa oras. He had been in his room for almost an hour at ayaw niya akong paalisin hangga't hindi pa siya lumalabas.
"Hoy! Ano ba, male-late na ako, Kench!"
"Teka lang, ito na!"
Saglit lang ay bumukas ang pintuan at lumabas siya. Napahilamos ako sa mukha ko ng makita ang suot niya. Anong trip na naman nitong taong 'to? Nakasuot ito ng itim na jogger saka itim rin na hoodie pati na rin ang suot nitong sapatos ay itim at itim rin ang suot niyang sunglass at mask. In short, itim lahat ng suot niya at balot na balot kahit na mainit naman.
"Hindi ka ba nakakain ng maayos kanina? Bakit ganiyan 'yang suot mo? Saan ang burol?"
"Ihahatid nga kita kaya ito ang sinuot ko para hindi ako makikila ng schoolmates natin," aniya saka ibinaba ng konti ang suot na sunglass para tignan ako.
"Sabi ko naman sa'yo na maglalakad lang ako para exercise na rin. 'Wag mo na akong ihatid kasi ang lapit-lapit lang talaga ng school natin mula dito."
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas at sinara ang pinto ng bahay namin. Ang tigas rin talaga ng ulo nitong kasama ko. Pagkarating namin sa ibaba ay napilit niya nga akong sumakay sa kotse niya.
"Lagot ka talaga sa'kin kapag napag-tsismisan na naman ako nito sa school, Kench."
Sanay naman na ako sa mga tsismis nila lalo na't araw-araw nalang atang may nasasabi sa'kin 'yong mga kaklase ko na bagong issue na naman raw tungkol sa'kin. What's funny is that I didn't even do anything to them, yet I seem to get on their nerves that is why they're always making an issue about me. Something like I'm seducing all the men that I know, I'm a gold digger, a slut, and nagbebenta raw ako ng katawan ko. What's even funnier is that Irish and her friends are the one who's behind in all of these. Hindi ko nalang pinapansin dahil wala namang katotohanan sa mga pinagsasabi nila.
Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan kasi hindi naman nila ako kilala at wala akong paki sa kanila. Ang makapagtapos ang pinaka-importante para sa'kin ngayon.
"We're here."
Buti nalang at tinted itong napiling sasakyan ni Kench dahil kung hindi ay kanina pa kami nasilip ng mga tsismosa naming schoolmates. College na't ano mahilig pa rin sa tsismis.
"Sabay na tayong umuwi mamaya. I'll wait for you." He added when I was about to get out.
"No need, Kench. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho ko mamaya dahil absent ako kahapon baka mapagalitan na ako nang manager namin," I said.
"About that," he looked at me, "Isn't it about time for you to quit on that? How can you focus on your studies if you're working? Nasa puder na kita and I am financially stable. You should just focus in taking care of yourself and also, focus on me, please?"
I gripped the door's handle. "Ayokong iasa lahat sa'yo, Kench. At isa pa, nag-e-enjoy naman akong magtrabaho doon although nakakapagod nga pero worth it rin naman. Kailangan ko ring mag-ipon ng sarili kong pera para kapag naghiwalay tayo ay kahit papaano'y may pera ako."
"Seriously, Deldry? You're really thinking of divorcing me?"
"I really will if you force me to quit my job. Got to go now, bye. I'll see you in our house later."
YOU ARE READING
The Lucky Collateral - COMPLETED
RomanceKelsey was just a simple girl but her world turned upside down when she found out that her father made her the collateral to his debt. In a blink of an eye, everything around her changed. From being a commoner student to a luckiest wife for having s...