CHAPTER 17

281 6 0
                                    

Chapter 17

Nakatingin lang ako kay Kino na hindi mapakaling nakaupo sa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa isang magarang restawran dahil dito niya mas piniling makipagkita sa'kin.

Kakatapos lang ng klase ko kaya hindi pa ako nakakapagpalit dahil dumiretso na ako kasi kanina pa nag-aantay sa'kin si Kino.

"Explain everything and don't leave anything out."

I picked the knife and fork then started cutting the steak that he ordered for me. I waited for him to start explaining but he remained silent.

"Speak now, Kino, bago pa magbago ang isip ko and I might not give you another chance to explain other than this."

"Uh…" he shifted his eyes from me. "I don't know where to start."

"Just tell me why and how."

"Huh?"

"Alright, just start from explaining on why do you keep on insisting that I am your sister."

"Because you really are my sister, Sofie," simple at direktang sagot niya.

Pagak akong napatawa. "I don't believe you."

"I am a hundred and one percent sure that we're blood related, Kelsey. I told you yesterday that I ran some DNA test just to make sure."

"I wanna see the result."

I badly want to make sure that he's telling the truth. Masakit umasang kadugo nga nila ako kung wala namang insaktong pruweba na nagpapatunay na totoo nga 'yon. Mahirap magtiwala sa ibang tao kapag ganito na ang usapan.

May kinuha siya sa loob ng envelope at iniabot sa'kin ang isang papel na nakatupi. Nanginginig pa ang kamay ko ng kunin ko iyon kay Kino dahil sa kaba.

I closed my eyes for a second and took some deep breathe before opening them again. Unti-unti kong binuklat ang papel at sinuri at binasa ng maigi lahat ng letra at pangungusap na nakasulat doon.

It took me a couple of minutes bago makapagsalita dahil sa gulat at kaba na nararamdaman. "Uhm…" I swallowed the lump on my throat. "Is this valid and legit?"

Tumango lang si Kino sa'kin. Bumalik ang tingin ko sa papel na nagsasabing totoo ko nga siyang kapatid. Hindi ko namalayang may namuo na palang luha sa mga mata ko at basta nalang iyong tumulo sa papel na hawak ko, paisa-isa hanggang sa umagos na nga.

"H-hey, I'm sorry. 'Wag ka ng umiyak, Kelsey."

Tumayo si Kino mula sa pagkakaupo at lumapit sa'kin. Itinabi niya ang hawak kong papel saka ako niyakap. Hinagod-hagod niya ang likuran ko para pakalmahin ako.

Umiyak ako ng umiyak habang nakayakap pa rin siya sa'kin at patuloy akong inaalo. I rarely cry because I can handle my emotions pretty well and when I'm in the verge of crying, I would encourage myself not to because I know I could still fight. Minsan lang nga akong umiiyak pero 'yang minsan na 'yan ay malala na dahil sumabog na ako. My heart can't take another surprise nor pain kaya umiiyak ako.

"W-why? Ba't ngayon lang? Bakit ngayon pa, Kino?!"

"I'm s-sorry, Kelsey… I never intend to make you cry. Shush… stop crying, 'lil sis. You're breaking your brother's heart."

Mas lalo lang akong ngumawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko na binigyang pansin ang iilang nga taong nakatingin sa'min dahil sa malakas kong pagngawa. I only care about my brother right now.

It took fifteen minutes for me to finally calm down and stop crying. Sumisinghot- singhot pa rin ako at humahagod pa rin ang kamay ni Kino sa likod ko.

The Lucky Collateral - COMPLETEDWhere stories live. Discover now