e l e v e n

101 4 0
                                    

AGENT V

CHAPTER ELEVEN:

Halos umaga na nang makauwi ako dahil pinatraining pa ako ng director hanggang sa halos mahimatay ako sa pagod. As a form of punishment daw. Hindi pa naman ako nakapatraininig sa isang buwan kaya bumalik sa una ang progression sa training ko. Bnuksan ko ang pintuan nang hindi masyadong niluluwagan dahil iingay ito. Baka magising ang mga tao sa paligid at matakot dahil gabing-gabi na pero may bumubukas.


 I silently groan, stretching my body as I walk to the kitchen. I want to eat some fruits para malagyan naman ng kahit kaunting pagkain ang t'yan ko kasi kanina pa talaga ako nagugutom. Director sure is mad for making my muscles sore this much. 


"Shit!" Gulat na bulalas ko dahil may taong nakaupo sa counter. Nakasarado ang mga ilaw dahil hindi ko naman inaasahang may makakasama pala ako sa kusina. Binuksan ko ang ilaw para makita ang mayor na nakasalampak ang mukha sa counter. Mukhang nagtatrabaho siya kanina but he fall asleep dahil sa pagod. Napailing ako at sinarado  ulit ang ilaw. I opened his laptop dahil naka sleep mode lang ito. I saw his document trying to write his work. 


Bakit siya ang gumagawa? Nasaan na ang secretary niya? Ayan kasi, may pa ban ban pang nalalaman sa'kin. Siya tuloy naghihirap. 


Pinagtimpla ko muna ang sarili ko ng kape at kumuha ng dalawang mansanans bago umupo sa harap niya . The corners of my lips unconsciously smiled, watching him sleep. Ang gwapo talaga, ang amo ng mukha.


"How are you even real?" Hindi ko maipigilang itanong. Umiling ako nang mapagtanto ang ginawa ko at hinarap na lamang ang laptop niya sa'kin para ipagpatuloy ang trabaho niya. My arms are sore pero mayor needs to rest dahil alam kong kahit na hindi pa siya tuluyang magaling sa lagnat niya, kinakailangan niyang lumabas para ipagpatuloy ang trabaho niya kasi hinahanap siya palagi ng sambayanan. 


Nakakadalawang kape na 'ko at malapit na 'kong matapos. It's almost 2 in the morning at sobrang inaantok na talaga ako. Kanina pa pumipikit-dumidilat ang mata ko dahil sa antok kaya halos nilagok ko na ang buong kape para lang magising ako. 


"Hey." Bigla akong napadilat nang marinig ang isang boses. Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang mayor na naka kunot ang noo habang nakatingin sa'kin. Mukhang kakagising lang. 


"Anong ginagawa mo?" He asked, squinting his eyes for a second dahil sa brightness ng laptop niya. I lowered the brightness para sa kanya dahil nilakasan ko ito kanina para lang magising ang diwa ko. 


"Naglalaro siguro," I sarcastically answered. Hindi niya pinansin ang sagot ko at tumayo para kumuha ng tubig. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. From my peripheral vision, Nakita ko ang pagharap niya para panuorin ako. He's leaning on the sink, taking a sip on his water. 


"Hindi mo dapat pinapakialaman ang gamit ko. Matulog ka na." He mumbled through the glass of water. I press the enter before turning my head to his direction. 

AGENT V: Lorelei Valerie TychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon