s i x t e e n

106 4 0
                                    

AGENT V

CHAPTER SIXTEEN


"Anong nangyari d'yan?" Mayor asked. Sobrang sama ng tingin na pinupukaw niya kay Chloe habang sinusubukan naman ni Chloe na takpan ang braso niyang maraming pasa. Hapon pa lang pero umuwi na muna kami ng mayor sa bahay niya dahil marami talaga ang nagra-rally.


People are seeking for answers kahit na kami mismo ay maraming katanungan na naglalaro sa isipan namin. Mayor decided to let everyone work from home dahil paniguradong hindi sila makakapag focus sa sobrang lakas ng mga iyakan at sigawan sa labas.


Pag-uwi namin, nadatnan namin si Chloe na ginagamot ang mga pasa niya sa katawan. Hindi niya siguro ineexpect na makita kami dahil dalawang araw na rin kaming hindi nakakauwi. Nang makita ni mayor ang mga pasa, bigla nalang siyang nagalit na para bang kapag nagsabi kami ng isang pangalan ay mapapatay niya na kaagad. I actually don't know how to feel dahil kitang-kita talaga na somehow, he cares. Naging sila hindi ba? Bakit sila naghiwalay?


"W-wala lang 'to." Chloe's nervous. I can sense it kahit sobrang layo ko sa kanila. Mayor dash straight to her direction pagkarating namin at naiwan akong naguguluhan malapit sa entrance door. Halos hindi makatingin si Chloe sa mga mata ni mayor. Kami lang tatlo ang nandito, hindi ko alam kung nasaan ang dalawang magkapatid.


"Anong nangyari?" Sobrang diin ng pagkakasabi ng mayor na para bang nauubusan na siya ng pasensya. Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Chloe at kitang-kita talaga ang mga pasa niya. Kaya pala hindi siya nagsusuot ng mga maliliit na damit. Pasa rin siguro ang nakita ko na pilit niyang tinatago.


"Please... wala lang 'to." Chloe's trying to plead pero paniguradong hindi 'yon paniniwalaan ng mayor lalo na't galit ito. Dahil kapag galit ka, para sa'yo, ikaw ang palaging tama. Sarado ang utak, mataas ang pride kaya kahit ano pa ang sabihin ni Chloe, mayor won't listen. Biglang tumunog ang isang cellphone. Sobrang lapit nito sa gawi ko at kitang-kita ko kung pa'no lumapit ang masamang tingin ng mayor sa'kin.


"Sagutin mo." He ordered while Chloe is pleading me not to. Hindi ba dapat ako makialam?


"Valerie." Mayor warned. Lumipat ang tingin ko sa kanya at sa cellphone. Kinuha ko ito at binasa ang caller's ID pero unregistered ang nakalagay. I memorized the number hanggang sa nawala ang tawag. I turn the phone off as Chloe breath in relief while mayor's trying to kill me using his glare.


" Why should I? It's not my business, isn't it?" I snap. Mukhang mas lalo niyang ikinagalit 'yon kaya umalis na ako sa harapan nila. Dumiretso ako sa kwarto ko at nilagay ang number sa notes ko.


I need to trace this damn caller pero hindi ko alam kung paano. Where's Sera when you needed her? damn it.


Kailangan kong gumalaw. Kailangang may gawin ako. Hindi ko kailangang makipaghulaan kay mayor kung anong nangyari kay Chloe. I got some bigger problem to deal with. Dalawang araw nalang talaga. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik but I swear when I come home, I'm so much better than who I am today. I showered at nagblower. I did my daily make-up routine bago nagbihis. Ang sabi nung lalaking sumubok na patayin ako, nauna ang boss niya sa'min.

AGENT V: Lorelei Valerie TychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon