t w e n t y - s i x

125 3 3
                                    

AGENT V

CHAPTER TWENTY-SIX

"Yes, they did. Alam mo kung ano ang pagkamaling ginawa ng kapatid mo? When he brought me to the agency and taught me skills that I can use to kill both of you with my own hands," I spat.

Tumawa lang ang mayor at prenteng tumalikod. Tinawag niya si Chloe pero hindi ito sumunod sa kaniya. Kumunot ang noo niya at umiling pero hindi na siya nagsalita at umalis na.

"Elle—" Captain tried reaching me pero umiwas ako.

"'Wag mo 'kong hawakan," I harshly said at mabilis na lumabas doon. Nakita ko ang lahat ng mga lalaking nakaitim na hawak na ng mga agents. Umalis ako roon gamit ang kotse ni Captain. I drove again hanggang sa makarating ako sa isang tahimik na lugar.

I bang my head on the steering wheel na lalong nagpasakit sa sugat ko at lalong ikinahilo ko. Sibukan kong pigilan ang sakit sa dibdib ko pero hindi ko kinaya. My tears keep rolling on my cheeks habang pauli-ulit na nagre-replay sa'kin ang sinabi ng mayor. Wala na ba talagang katapusan? Ako ba dapat ang tatapos nito? I was really hurt. All I could think of is to end everything. Kinuha ko ang baril na nakatago sa ilalim ng upuan ni captain at tinutok sa ulo ko.

I shouted my lungs out at hinawakan ang trigger. I gasp for air as tears making my ears blurry. Hinawakan ko ang trigger as I shut my eyes close.

"Sorry," I sob. I'm sorry, self. I'm sorry kung susuko na 'ko. Pasensiya ka na kung hindi hindi ko kaya. Pasensiya na kung hindi ka na sasaya. Pasensiya na kung titigl na 'ko sa kakasubok.

I click the trigger. Hinintay ko. I waited for the pain that could end all the pain pero bakit wala? O hindi ko lang naramdaman? Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan ang baril pero imbis na baril, iba ang nakita ko.

It was Ace. He took the gun out of my hand. There's worry in his eyes na kailan man, hinding-hindi ko na makikita.

"Give me that gun!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Akala ko iba siya pero pareho lang pala silang lahat. Pareho lang silang pinipigilan akong makamit ang kasiyahan.

Instead of giving me, tinapon niya sa likuran at hinapit ako para yakapin.

"Shh. I'm here, Valerie. I'm here now," He whispered, hugging me tight. Nagpumiglas ako.

"I-I don't fucking care! Umalis k-ka! Bitawan mo 'ko!" Galit na sigaw ko. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko.

"I'm sorry, baby. Nandito na 'ko." Baby? I laugh hysterically. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagtawa ko. Nagpumiglas ako hanggang sa nabitawan niya na talaga ako. Mabilis akong lumabas sa kotse at tumakbo palayo. My head's spinning and I can barely breath dahil sa bigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung mabilis ba ang pagkakatakbo ko pero naabutan niya pa rin ako. Nahawakan niya ang kamay ko kaya napilitan akong tumigil.

"Why do you keep hurting me?!" I yelled out of agony. I really wanna know why. Ano bang tingin nila sa'kin? Do they get a huge amount of money by toying with me?

"Baby?!" I ask, laughing hysterically. "Do I look like a toy to you?! You are married for fuck's sake but here you are, acting like you like me. Ano bang meron sa'kin at ako ang pinagdidiskihan niyo, ha?!"

"Hindi sa gano'n—"

"Then what. Ace?! Please enlighten me kasi pagod na'ko kakaisip! Pagod na 'kong mabuhay na palagi nalang nauuwi sa ganito!" Winaksi ko ang pagkakahawak niya as I harshly wipe my tears off.

AGENT V: Lorelei Valerie TychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon