Chapter 8

0 0 0
                                    


Maicom’s P.O.V

Ako, si Mae at si JC na lang natitira sa club room ng lumabas si Bea.

“Kelan pa nawala ung hypnotism sayo or sa simula pa------niloloko mo talaga ako?” si Mae ang unang nagsalita. At lumapit kay JC habang ako nakatayo lang sa likod nila.

“Ano ba JC? Sagutin mo ako?” Ngunit nakayuko lang ito.

“Ikaw Maicom, alam mo na bang wala na ung hypnotism o pinalano nyo na to ni pres sa simula pa lang?” baling sa akin ni Mae ng wala syang makuhang sagot kay JC. Tumingin muna ako kay JC pero nakayuko lang ito mukhang nagkoconstruct na sya ng sentence.

“Ching, hindi sa ganoon.” Sagot ko kay Mae. Gusto ko man sabihin kay Mae ang lahat pero wala ako sa lugar para gawin yun, si JC dapat ang magpaliwanag.

“Paanong hindi sa ganoon? Naguguluhan na ako Maicom. Ipaliwanag nyo sa akin.” Umiiyak na sabi ni Mae.

“JC aminin mo na kay Mae ang lahat.”  sabi ko kay JC habang hinihimas ko ang likod ni Mae para kahit paano mapagaan ang loob nito, pero di effective. Mas lalo lumakas iyak nito.

Lumayo ito sa amin. “Anong aaminin? Aaminin na niloloko nyo talaga ako?”

“Ching Mae, I... Im sorry. I didn’t mean t------” magi-speech na sana si JC pero nasampal na kaagad ito ni Mae. Oucchhh! Ang sakit nyan pre. Kitang kita ko yung kamay ni Mae na bumakat sa pisngi ni JC.

“Sorry? You jerk.” Sabi ni Mae pagkatapos sampalin si JC. Kinuha nito ang mga gamit, lalabas na yata ng club room.

Pero bago ito lumabas, lumapit ito sa akin at binigyan ako ng sampal. Araouchhh! Ang sakit pre.

“Magsama kayong dalawa.” At tuluyan na itong lumabas ng room.

Parang tumabingi ung mukha ko sa pagkakasampal sa akin ni Mae. Ansakit sobra. Ngayon lang ako nasampal ng ganito. Kahit yung nanay ko di pa ako nasasampal sa takot lang na baka bigla daw ako pumangit at di na makapag-asawa.

Himas himas ko yung pisngi ko ng maalala kong may malamig pala akong tubig sa bag kaya kinuha ko ito at tinapat sa kawawa kong pisngi. Umupo na ako ng makita kong si JC na wala sa sariling umupo.

“So anong gagawin natin JC?” tanong ko kay JC. Nilingon naman nya ako.

“I don’t know.” Sabay iling nito sa akin.

“Why don’t you tell her the truth? Explain mo ang lahat.”

“Pero paano?”

“Edi simulan mo sa simula.” Simple kong sagot kay JC.

Nagbuntong hininga si JC bilang sagot at tumingin na ulit sa malayo. Nag-iisip kung paano siguro magpapaliwanag kay Mae.

Gumana naman talaga ang hypnotism ko kay JC pero yung araw na dinala ko si Mang Kepweng sa club room dun na nagbago ang lahat.

-----------------------------------------------------------------------

FLASHBACK....

Dinala ko si Mang Kepweng sa club room para mapatawas at magamot si JC. Baka kasi makuha sa albularyong itong si JC.

“Ano yan? Alam nyo kung puro kalokohan lang yang gagawin nyo, please lang umalis na kayo. Nakakaistorbo lang kayo.” Panunungit ni JC sa akin at kay Mang Kepweng. Okay di effective yung albularyo kay JC. Sayang yung pera ko.

“At kayo, imbes na tumunganga lang kayo, pumunta kayo sa library at tignan nyo kung nadeliver na ung mga bagong libro.” Baling nito kina Mae at Tricia.

The Truth Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon