Chapter 1

15 0 0
                                    

"Ching Mae! Ano ka ba naman ilan beses ka bang kailangan i-remind tungkol sa mga gagawin mo? Talaga bang walang pumapasok sa kokote mo at hirap na hirap kang alalahanin yung ipinapagawa ko?" lintanya sa akin ni Juan Carlitos, ang presidente namin dito sa Book Lovers Club. Para sa kanya wala na akong ginawang maganda. Puro kapalpakan at kamalian ko na lang ang nakikita nya. Puro ako, ako at ako na lang ang napapansin nya. Parang sa akin na lang umiikot ang mundo nya e. Yung tipong hindi makukumpleto ang araw nya kapag di nya ako nasisigawan. May gusto yata ang lalakeng ito sa akin haha joke.

Ako nga pala si Ching Mae Lei, 2nd year college student sa kursong Business Ad sa isang private school. At tama ang hula nyo na may lahi akong Chinese, hindi naman ganon ka-obvious diba? At kaya lang naman ako napasali sa club na ito ay para may reason ako sa mga magulang ko kung sakaling gabihin ako sa kakalakwatsa. Mukha din kasing walang gaanong ginagawa dito,magbabasa ka lang ng kahit na anong gusto mo. Pero nagkamali ako ng pag-dyajudge, dahil puro pasakit at pahirap ang dulot ng club na ito sa akin sa dalawang taong pag-iistay ko dito. Mahirap pala dito kasi biruin mo,dapat updated ka sa mga bagong labas na libro. Dapat marami ka ring mga gawang book reviews at biography ng iba't ibang author pati yung mga sikat nilang quotes. Dagdag pa ang pahirap na presidente namin na si Juan Carlitos Garcia. Ahead lang sya sa akin ng 1 year. Kung titignan mo ang kanyang mukha ay para syang isang maamong tupa at lalakeng di makabasag pinggan dala na rin siguro ng kanyang eyeglasses na bagay na bagay sa kanya. Pero putek, sa likod ng malaanghel na itsura e nagkukubli ang malademonyo nyang pag-uugali. At eto nga sya ngayon at pinapagalitan ako dahil sa aking maling nagawa.

"Kung di ka man tanga! Ilagay pa man din yung kailangang document sa maling folder. Nang dahil sayo si Tricia ang napagalitan ni Mrs. Mijares." Sermon pa din nya sa akin.

"Okay lang naman yun JC. I already explained to Mrs. Mijares na nagkamali lang ng bigay na folder." Paliwanagni Tricia ang vice pres ng club at super loving naming ate, graduating na kasi sya.

"But still, may kapabayaan pa rin si Ching Mae dito. Puro pacute kasi ang ginawa maghapon." Asik ni Juan Carlitos na akala mo ay isa sa mga pabebe girls na walang makakapigil.

Tinignan na lang ako ni Ate Tricia at nginitian na parang sinasabi sa akin na wala na syang magagawang tulong para mailigtas ako sa mahabang sermon ni president at sa kanyang parusa. Hayyyy buhay nga naman parang life.

Bilang parusa, kelangan ko maglinis ng office mula sa mga libro sa shelves hanggang kasuluksulukan ng office.

"Bilis bilisan mo naman ang paglinis. Paano ka matatapos agad kung kada punas mo e tutunganga ka." Sabi ni Juan Carlitos habang naglalaptop sa table nya.

Pucha naman o! Pano ako makakapaglinis ng maayos kung nandyan ka pang hayuff ka! Bulong ko sa isipan ko. Hindi ko na lang sya pinatulan para di na madagdagan ang punishment ko.

"Ayy JC may bago akong Trick! Try ko sayo!" ang biglang pasok na sabi ni Maicom ang kengkoy naming treasurer. Kaklase nya si president.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Juan Carlitos. O diba! Iilang lalake lang ang kayang makapagtaas ng kilay na hindi pumapanig sa pwersa nila Barney at Pooh. Mas mataas pa sa aking kilay ang bruha este si president.

"Ano ako aso?" nakataas pa ring kilay na sabi ni Juan Carlitos.

"JC naman e parang di kaibigan. Wala naman mawawala sayo kung itatry mo lang."

Nagkakamot na ulong pakiusap ni Maicom.
Napabuntong hininga si president mukhang tinalaban ng konsensya.

Meron pa pala sya nun? Akala ko lumipad na at kung saan napadpad hahahaha. Natawa ako sa naiisip ko.

Napansin ako ni Juan Carlitos ang pagtawa ko kaya nasita ako "Anong tinatawa tawa mo Ching Mae?"

Umiling na lang ako bilang sagot at pinilit na magisip ng nakakatakot para di na ako matawa.

"Payag ka na JC?" paninigurado ni Maicom kay president.

"Si Ching Mae na lang."turo sa akin ni president. Kita mo to, sa akin pinasa.
Mabilis akong tinignan ni Maicom. At mukhang naawa naman sa mala Cinderellang sitwasyon ko na pinahihirapan ni Evil Witch.

"Busy e. Ikaw na lang, naglalaptop ka lang naman." Pilit ni Maicom kay Evil Witch president Juan Carlitos.

"Sigesige para matigil ka na. Ano ba yang new trick mo?" tanong ni president at sinara ang kanyang laptop.

"Hypnotism"

The Truth Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon