Last Chapter

1 0 0
                                    


‘Good Morning Babe. I love you.’

Yan ang bumungad sa akin pagkagising ko. A sweet message from my beloved pres. Ayiee! Bumangon agad ako bigla at kinurot ang pisngi ko. Binasa ko ulit yung txt ni pres at baka nanaginip pa rin ako at yung mga nangyari kahapon ay panaginip lang.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ulit yung txt nya.

‘Good Morning din Babe. Penge ako ng good morning kiss mamaya ha? I Love you too:*’

Reply ko sa txt nya. Wala pang isang minuto ng magreply ito.

‘Hahahaha. Nabigyan na kita ng good bye at good night kiss kahapon ah? I’ll think about it kung bibigyan kita hahaha. I love you more.'

Parang naririning ko yung tawa ni pres habang binanabasa ko yung txt nya. Nakakakilig talaga tong babe ko.

‘E basta penge. I love you to the moon and back.’ Reply ko.

‘Hahaha kumain ka na at mag-ready. Later na lang ulit. I love you to infinity and beyond.’ Achuchu! Kakilig talaga. Binitiwan ko na yung phone ko at nagready na nga para pumasok sa school. 

-----------------------------------------------------------

“Babe, pakidala naman ito kay Ms. Imson sa Math department.”

“Babe, nasan na yung mga dating reviews? Hinihingi ni Mrs. Edma e.”

“Babe, nalinis mo na ba yung pinapalinis ko?”

“Babe, marumi pa o. Paki-linis ulit. Love you.”

“Okay babe.” With matching beautiful eyes pa habang nililinis ulit yung club room. Okay lang sa akin kahit maghapon nya pa ko utusan.

“Wow ha! Mae grabe yung pagmamahal mo kay JC, hindi ka man lang umaangal. Biruin mo bago pa lang kayo mag-jowa pero kung makautos sayo parang katulong ka lang dito.” Sabi ni Maicom sa akin nung napansin nyang lagi na lang akong inuutusan ni pres. Pero okay lang talaga sa akin, with babe naman nya na akong tawagin e.

“Ano ka ba Maicom, okay lang sa akin. At least, hindi nya na ako sinisigawan at may lambing na kung kausapin nya ako. At ‘Babe’ ang tawag nya na sa akin. Kaya okay lang kung utusan nya ako habang buhay.” Sabi ko at nagbyu-beautiful eyes na naman ng tumingin si pres sa gawi namin ni Maicom. Nginitian nya lang ako at tinutok na ulit yung atensyon nya sa laptop nya.

“Hindi naman halata na patay na patay ka kay JC noh?” sarkastikong tanong sa akin ni Maicom.

“Ikaw, echosera ka ta---“ di ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Beancang tunog martilyo na naman ang get up sa club room.

“Beautiful afternoon but Im more beautiful than you.” Sabi nya habang nakatingin sa akin. Aba aba!! Hinahamon ako ng bruha! Napataas tuloy yung isa kong kilay sa sinabi nya.

“Hi JC!” at agad lumapit sa pwesto ni pres. Hindi naman sya ni pinansin nito. Buti nga.

“JC, nagmeryenda ka na ba? Kung hindi pa JC---“ sabay kagat labi. “--kain tayo. My treat.” tanong nito at pilit na pinapakita ang cleavage nito kay pres. Tunog martilyo talaga. Sasabunutan ko na sana sya ng biglang tumayo si pres sa pwesto nya. Dont tell me, sasama sya sa bruhang ito? Pagsasabunutan ko sila.

“Halika na.” Sabi ni pres at sinara ang laptop nya. Natigalgal naman ako sa narinig ko. Nangingislap naman ang mga mata ni Beanca at kitang kita ang excitement nito.

“Talaga? Siguradong mag-eenjoy kang kasama ak---“

“O? Hi Beanca! Buti na lang nandito ka na. Ikaw na ang maghatid ng mga list of new books sa mga teachers.” Sabay abot ng papel dito. “Make sure na pipirma sila after nila mareceive ung list. Babe, meryenda muna tayo. Kanina ka pa dyan e.”sabay lakad palapit sa akin.

The Truth Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon