"Mae pinapatawag ka ni JC sa club room." Nakangiting sabi ni ate Trisha habang nasa canteen ako.
Alam nya na kasi yung nagawa naming kalokohan ni Maicom. Naikuwento ko sa kanya nung naglalakad kami papunta sa library at gawin ung utos ni pres. Ang dami nyang comment habang nagkukuwento ako kaya anyare hanggang makabalik kami sa club room ay nagkukuwento pa rin ako, naabutan pa nga namin sina Maicom at President na seryosong nag-uusap. Pinagalitan ata. Halos isang linggo na din ang lumipas pagkatapos nun. Naging saksi din sya nung isang araw kung paano nag-iba ung aura nito nung tinanggal nito ang salamin. Nabawas bawasan ang panghaharas nya sa akin kapag nahuhubad nya ang kanyang salamin(sayang!) pero marami syang sinasabi sa akin at naikukwento about sa mga oras na di nya ako nakikita o nakakausap at sa maraming nakakatuwang bagay na talagang nagpapatalon ng malandi kong puso. Ang sarap nyang kakwentuhan. Mabilis pa din naman ung tibok ng puso ko kapag kaharap ko sya pero nakakaya ko ng ihandle, nasanay na e. Nasanay na akong kapag naririnig ko ung boses nya e kinakabahan na ako. Nasanay na akong kapag kaharap ko sya e pinagpapawisan na ako at parang may hinihintay na gagawin nya sa akin (landi ko hahaha). At nasanay na ako sa ugali nyang mahilig magmasungit sa akin kaya kung minsan sinasadya kong harutin si Maicom sa harap nya para makita ung magiging reaksyon at tama naman hula ko, nagiging monster sya sa pag-uutos sa akin.
Pero hanggang kelan kaya ito? Nakakasawa na nakakatxt ko sya o nakakausap sa gabi ng kung anu-ano tapos sa umaga makakalimutan nya na. Nakakapagod na magpretend na walang pagpapakilig syang ginagawa sa akin. Gusto kong mag-stay ung sweet (at pervert) na president sa harapan ko ng matagal. Gusto kong makita ung tunay na ugali ni pres suot man nya o wala ung salamin nya.
--------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos kong kumain sa canteen, pinuntahan ko na si pres sa club room. Sakto, sya lang ang mag-isa dun at mukhang nakaidlip si pres sa harap ng laptop nya, nakasuot pa kasi ung salamin nya.
Umupo ako sa tabing upuan ni pres. Pinagkatitigan ko yung mukha nya. Ang cute ni pres. Sya ung tipo ng lalake na hindi man ganun kalakas ang appeal at kaporma, mapapalingon ka pa rin sa kanya dahil sa mala-Jun Pyo nyang kasungitan.
Inihiga ko din ung ulo ko sa table kaharap sa mukha ni pres.
Dugdug! Dugdug! Dugdug! Dugdug!
Mas mabilis ung tibok ng puso ko kesa sa nung nakaraan. Wala man ung kwintas ni Maicom para ihypnotize ako ngayon pero ung mga labi ni JC ang kumokontrol sa akin na hawakan iyon. Ang lambot.
Hanggang sa di ko mapigilan ang sarili ko na halikan sya. Isang mabilis na halik ngunit sa akin ay panghabambuhay na kilig at tuwa ang ibinigay.Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Nakahiga ang ulo habang nakaharap sa kanya, nakatitig sa kanyang mukha at di ko namalayan na napapikit na din pala ako at nakatulog.
---------------------------------------------------------
"Ang lambot, ang sarap, isa pa."
"HAHAHAHA! Ano ung masarap Ching Mae?" naririnig kong boses lalaki ang tumatawa habang natutulog ako. Parang boses ni Maicom!
(O_O) Napadilat ako ng mata at napabangon ng bigla ng marealize ko na nasa club room pa pala ako.
"Hahahaha! Bakas na bakas sa mukha mo na bagong gising ka. Ayan oh may panis na laway ka pa sa bibig. Hahahaha!" tawa ng tawa si Maicom sa harap ko.
"Letse ka talaga. Panira ka e noh!" badtrip kong sabi kay Maicom. At pasimpleng pinunasan ang gilid ng bbig ko at mahirap na baka may panis na laway talaga at makita pa ni president, nakakahiya.
"President! Shocks!" Napatayo ako sa upuan at napahilamos sa mukha ng maalala ko ang ginawa ko kanina.
"Si president? Pagkapasok ko nagmamadali naman syang lumabas sa club room. Pero may kakaiba eh. Pulang pula ung mukha nya nung nakita ko."
BINABASA MO ANG
The Truth Behind Those Glasses
Romance"CHING MAE! Isubmit mo tong mga files na ito kay Mrs. Moreno!" "Ching Mae! Punasan mo ang book shelves, madumi!" "Ching Mae! Madumi pa punasan mo ulit!" "Ching Mae, ung reviews mo nagawa mo na ba?" "CHING MAE!" Punyemas na buhay ito! Wala na akong n...