Chapter 3

1 0 0
                                    


"What? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong ni Juan Carlitos.

Nagkatinginan lang kami ni Maicom.

"May nagawa ba ako kanina na di ko alam?"

"Wala ka bang maalala sa mga ginawa mo kanina?" di ko mapigilang na tanong sa kanya.

Umiling lang sya bilang sagot. Nagkatinginan lang kami ulit ni Maicom.

"Hindi mo talaga maalala JC? Hi-mmmmmp" tinakpan ko ang bibig ni Maicom bago pa nya sabihin na hinalikan ako ni president.

"A-a muntikan muna kasing halikan si Maicom kanina. Buti na lang at napigilan ka namin hehehe." Sabi ko habang tinatakpan ko pa rin ang bibig ni Maicom.

"Talaga? Nakakadiri kung sakali natuloy yun. Good job Ching Mae at napigilan mo ako. Dahil dyan pwede mo nang ipagpabukas ang paglilinis ng office. At ikaw Maicom tigil tigilan mo na yang mga kalokohan at tignan mo muntikan na kitang mahalikan." Sermon ni president.

"Yes boss! Thanks!" sabi ko at tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bibig ni Maicom. At inaapakan ang kanyang paa.

"Aray!" tinignan ako ng masama ni Maicom.

Nagkatingin ng masama sa amin si president. Mukhang di yata nya nagustuhan ang harutan namin ni Maicom. Nagseselos ang mokong.

"Umuwi na kayo." Sabi ni president sabay kuha ng mga gamit nya sa table at umalis na ng office.

"Grabe!" sabay buntong hininga ni Maicom. "May itinatago palang pagnanasa sayo si JC".

Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi pa rin ako nakarecover sa mga pangyayari.

"Bakit mo pala ako pinigilan kanina na sabihin ung about sa ginawang panghaharas sayo ni pres? Anong balak mo?" tanong sa akin ni Maicom.

"Balak talaga? May paghihiganti? Kaloka! Wala, hindi ko din alam. Bigla na lang kumilos ung katawan ko na supalpalin yang bibig mo." Sagot ko sa kanya.

"Pero teka, paano mo nalaman na kapag sinuot ni pres ung salamin nya e babalik na sya sa kanyang katinuan at sa pagiging pabebe ulit?" curious kong tanong sa kanya.

"Habang nag-ppda kayo sa harapan ko e, nakita ko ung salamin nya at naalala ko na hindi effective ung hypnotism ko nung nakasuot sya ng salamin. Kaya naisip ko na kapag binalik ko ung salamin nya e baka mawala din ung hypnotism at yun nga, tama ako." Sagot ni Maicom na parang akala mo sya ang nakasolve ng traffic sa EDSA.

Hayy ano na gagawin ko? Yung first kiss ko..... Isa pa plssss.

---------------------------

12:28 am  tingin ko sa orasan na nasa side table ng bed ko. Putek! 9 pm pa lang nasa bed na ako pero until now di parin ako makatulog. Nagpagulong-gulong na ako sa higaan, nagbilang ng tupa at bituin sa langit, kumanta ng rock-a-bye baby, nag-isip ng malaswa, at kung anu-ano pa pero wala! Wa Epek! Sana nag-aral na lang pala ako, tataas pa grades ko! Hayuff!

Si president naman kasi e. Hanggang ngayon di parin ako makarecover simula nung iwan nya kami ni Maicom sa office. After kasi nun umuwi na din kami, balak ko pa naman magshopping kanina pero di na natuloy dahil tulala akong nakauwi sa bahay. At heto pa rin ako, parang sirang plakang paulit ulit yung torrid kissing scene naming ni president. Grabe ang sarap naman kasi e.

Hindi, erase erase erase. Si president yun at kasalanan ang mag-isip ng mga ganung scene. Pero totoo kayang mahal nya ako noon pa man? Yun kaya ang totoo nyang pagkatao? Romantic pala sya...na may pagka-pervert hahaha

"Sa telepono may tumatawag! Sa telepono may tumatawag! Ang telepono sagutin natin!" nagulat ako ng marinig ko ang ringtone ko, pero mas nagulat ako sa nagregister na name sa phone ko, "Evil Pres".

SHOCKS! Tumatawag sya! Anong gagawin ko? Mukhang hinubad nya na yata ung salamin nya bago matulog. Shocks talaga!

Inhale, Exhale, Inhale, Exhale, Inhale, Exhale. Okay

"Ching Mae, alam ko nakakaistorbo ako but I can't help myself not to call you, not to hear your voice sweetheart. Hindi sapat na makita ko lang ang pic mo sa side table ko, I want you to be with me tonight. I want to hug you, to kiss you. So please Mae, pwedeng ba tayong magkita?" nagsusumamong pakiusap ni Juan Carlitos sa kabilang linya.

Me, literally dropped my phone after listening to his lustful words.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung saang lupalop napunta ung boses ko at wala akong maisagot sa kanya.

"Ching Mae?" tawag nya sa akin. At pinulot ko ulit ung phone ko.

"H-ha? Ano nga ulit un?"

"Kung pwede ba tayong mag---"

"WAG!!!! Please President wag. Di ako ready sa gagawin mo at baka di na ako sikatan ng araw sa parents ko." tanggi ko sa balak ni president.

"Pero Ching Mae.... mahal kita at gusto ko kitang makasama palagi. Pupunta ako sa inyo." Desedidong sabi ni president.

"Subukan mong talagang ituloy yang plano mo, hinding hinding hinding hindi na kita papansinin. Lalayuan kita. Aaalis ako sa club. Lilipat ako ng school at KAKALIMUTAN KITA!" banta ko kay pres. Lord, sana naman po tumalab ung pananakot ko. Pleaaaasssse.

Natahimik ung kabilang linya. Hanggang marinig ko ung buntong hininga nya.

"Okay.. kung yan ang gusto mo Mae. Di kita pipilitin na makipagkita sa akin ngayon. Pero sana wag mo ituloy na wag ako pansinin at lalayuan mo ako. Di ko kaya. Promise me Mae."

Katahimikan... yan ang bumalot sa amin ulit.

"Ahmmm, President pwede ba kitang tanungin?" panimula sa awkwardness na bumabalot sa mga linya namin.

"Ano yun Ching Mae?" tanong nya.

"Kelan ka pa nagkagusto sa akin? At bakit ako?" tanong ko ng magkaalaman na kung noon pa ba nya ako pinagnanasaan.

"I fell in love with you the moment I saw you. Your simple beauty, your cute gestures, and your almond-shaped eyes that make me more drown to you every time I look at it. Those are some of many reasons why I love you. I'm always watching you from your behind. Di ko alam kung paano ka kausapin. Gusto ko na ngang kalimutan ung feelings ko sayo." pagamin nya. Nag-iinit yung tenga ko sa mga narinig ko sa kanya. Di ko inexpect ung mga sasabihin nya.

" Until you joined the club. I thought na destiny na yung gumawa ng paraan para makasama ka. I said to myself 'Eto na ung chance ko'. Pero di ko pa din alam kung paano ka kausapin. Kaya kung akala mo di kita pinapansin nung una o sinusungitan kita, di ko lang talaga alam kung paano simulan ung conversation natin. Hanggang sa makita ko na lang na close na kayo ni Maicom. Nagseselos ako everytime na magkasama kayo at nakikitang nagtatawanan. Nabwibwisit ako sayo."

"E bakit ako may kasalanan kung torpe ka?" singit ko.

"Hahahah." He chuckled. Ang cute nyang tumawa.

"Kaya nga lagi akong nag-uutos at nagagalit sayo kasi un lang ang way ko para kausapin ka ng hindi nahihiya o natotorpe. Sorry kung medyo mean ung way na un, un lang kasi nakita ko. Pero believe me, I don't have any intentions to hurt you or your feelings. At kung nangyari or naparamdam ko sayo un,Im sorry Ching Mae." Paghingi nya ng tawa mula sa kabilang linya.

Ngayon alam ko na kung ano ung reason nya kung bakit pangalan ko lagi ang naririnig sa club room at kung bakit lagi sya nakasimagot sa akin kapag kaharutan ko si Maicom.

"Tulog na tayo JC." Paalam ko sa kanya. Di na kakayanin pa ng heart ko. Bakit ka ganito heart? Ang bilis bilis ng takbo mo. Hinay hinay lang plss.

"Good night Ching Mae. Sweetdreams and dream of me." Nangingiti ako habang sinasabi nya sa akinto.

"Goodnight JC.... Sweetdreams." Paalam ko at binalik ung phone ko sa side table.

"Putekk! Kinikilig ako! Di ako makapaniwala!" impit kong sigaw at nagpagulong gulong sa higaan. Umayos ako ng higa at kinuha ung unan ko para kagatin. Di pa din kasi ako makaget over sa kilig na nararamdaman ko.

"Eto pala talaga ung tunay na Juan Carlitos." Lutang ang isip ko hanggang sa napapikit na ako na abot hanggang tenga pa rin ang ngiti.

03:58 am  (z.Z)

to be continued...

The Truth Behind Those GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon