"Hypnotism" sagot ni Maicom at nilalabas nya na yung parang kwintas sa kanyang bulsa."Ihi-hypnotize mo ako? Ayoko." Biglang tayo ni president sa kanyang upuan.
"Sige na ita-try ko lang kung effective sayo."
"Mukhang delikado Maicom, ayoko." Pagtanggi talaga ni pres.
"Hindi naman delikado. Ita-try ko ba sayo kung delikado? Sige na JC?" pagpupumilit pa rin ni Maicom.
"5 minutes."
"Yes! Enough na yun to do the hypnotism." Excited na sagot ni Maicom.
"Una, magfocus ka lang dito sa kwintas ko. Wala ka ng iisipin at aalahanin. Tignan at sundan mo lang ng mata ang bilog na nasa kwintas ko."
Pasimple akong nakikinig sa usapan ng dalawa habang naglilinis ako ng shelves sa gilid.
Nagrereklamo pa si president sa mga pinagagawa sa kanya ni Maicom, keso nahihilo na daw sya, masakit sa mata, wala naman nangyayari at kung anu ano pa. Kaya ang ginawa ni Maicom tinanggal nya ang eyeglasses ni president para mas lalong maging effective ang hypnotism nya. Maya maya nga ay nakatulala na lang si president sa kwintas. At nung sinabi ni Maicom na tumahol sya ay tumahol si president. Nung sinabing maglabas dila sya ay nilabas nya nga kanyang dila. Nung sinabi kong pitikin nya ang ilong nya, pinitik nya nga. Tawa ako ng tawa sa ginagawa nito. Nakisali na din kasi ako sa kalokohan ni Maicom. Feeling ko nakaganti na rin ako sa wakas sa mga pinaggagawa nya sa akin bwahahahahaha!
"Pagbilang ko ng tatlo ay ipapakita mo ang.. . ang. . .ang . . . tulungan mo akong magisip Mae kung ano ang ipapagawa ko." sabi ni Maicom.
"Pagbilang namin ng tatlo ay ipapakita mo ang tunay mong pagkatao." Nakunot ang noo ni Maicom ng marinig nya ang sinabi ko.
"Titignan ko lang kung totoo yung hinala kong tagilid sya."
"One, Two, Three!" sabay naming pagbilang ni Maicom.
Una wala muna syang reaksyon pero maya maya ay tumayo sya at lumapit sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko kasi natatakot ako na baka gantihan nya ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya kanina. Sheteng buhay to o. Lagot na ako nito.
Napapikit na ako nung nasa tapat ko sya at hinihintay ang susunod nyang gagawin.
"I Love You Ching Mae." Sabi sa akin ni president. Napadilat ako bigla sa kanyang sinabi at mas lalo akong nabigla sa sunod nyang ginawa.
Shocks! He's kissing me! Sigaw ng utak ko habang hinahalikan nya ako. At FYI, hindi lang yon simpleng halik kundi isang marubdob at nag-aalab na halik! As in!
Tinutulak ko sya sa pero masyado syang malakas kesa sa akin. Si Maicom naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa amin. Sisigaw sana ako ng makakuha ako ng tyempo pero yun din pala ang tyempong hinihintay nya para mas maipasok ang kanyang dila sa bibig ko. At sheteng malufet!! nanghihina na ang mga tuhod ko sa sarap nyang humalik. And yes, inaamin ko na nasasarapan ako sa ginagawa nyang paghalik sa akin. Parang ayaw ko na syang huminto sa ginagawa nya. At nung gaganti na ako sa ginagawang nyang paghalik sa akin ay dun naman sya huminto. Shete! Kung kelan nandun na e!
Madamdamin nya akong tinitignan sa mga mata habang hinahawakan ng kanyang right thumb ang nag-iswell kong mga labi. Nakanganga lang ako sa ginagawa nya dahil bitin na bitin ako este hindi mag sink in sa utak ko kung ano ang nanyayare sa mundo.
"Ching Mae."
Hindi ako sumagot sa pagtawag nya sa akin. Parang ang hirap paniwalaan ang mga pangyayari.
"Ching Mae. . . kanina ko pang pinipigilan na gawin to sayo kanina pa habang naglilinis ka. At sorry kung kelangan kitang pag-istayin dito sa office para maglinis, eto lang kasi ang paraan para makasama ka ng matagal. Noon pa man Ching Mae, gusto na kita." Madamdaming rebelasyon ni Juan Carlitos sa akin.
Hahalikan na sana nya ako nung biglang hatakin sya ni Maicom at ibinalik ang salamin ni president sa kanyang mga mata.
Pagkatapos maisuot ung salamin, nakatingin lang sa amin si president na para bang inosente sa mga pangyayari. Na parang sya ang biktima at ako ang pangahas na naka- divirginize ng mga lips nya. Ay pasalamat ka nandyan si Maicom at baka rapin kita. Wag mo akong matignan ng ganyan!
"What? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong ni Juan Carlitos.
BINABASA MO ANG
The Truth Behind Those Glasses
Romance"CHING MAE! Isubmit mo tong mga files na ito kay Mrs. Moreno!" "Ching Mae! Punasan mo ang book shelves, madumi!" "Ching Mae! Madumi pa punasan mo ulit!" "Ching Mae, ung reviews mo nagawa mo na ba?" "CHING MAE!" Punyemas na buhay ito! Wala na akong n...