︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ❝ since day oneㅤ—ㅤeftychia
︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎Nandito ako ngayon sa garden ng school. Nakahiga sa ilalim ng puno dahil as usual na gawain ko kapag nabobore ako sa klase, nagcucutting classes.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Nakita ko ang pangalan ng bestfriend ko na syang tumatawag sa akin. Napabuntong hininga ako bago ko sinagot ang tawag niya.
"Hello, Hugh. What do you need?" I asked him even though I really know the reason why he called me
"Why did you skipped our second to the last subject?" He asked me
Kinuha ko ang earphones ko sa bag at inisalpak iyon sa phone ko at sinuot, bago ko sinagot ang tanong nya.
"It's kinda boring, Hugh. You know that I'm not into math and oh I'll also gonna skip our last subject for today."
"No, don't do that, missy." He said and it feels like he's ordering me to not do it.
I just rolled my eyes as I walked through the back gate of the school.
"As if naman na susundin kita. Did you already forgot? Adreighna listen to no one, mister."
Biglang namatay ang call kaya nagkibit balikat nalang ako at inakyat na ang back gate ng school. Mababa lang naman yon.
Dumeretso ako sa pinakamalapit na park na syang lagi kong pinupuntahan sa tuwing gusto kong mapag-isa. Umupo ako sa isang swing doon.
Dito sa park na ito kami unang nagkakilala ni Hugh pero mukhang hindi na nya ito naalala.
Dito sa park na ito ko naramdaman yung feeling na alam mo yon? Yung feeling na nahanap ko na yung taong mahal ko.
Yes, I'm inlove with Hugh. I loved him on the first day I ever laid my eyes on him. At first I didn't know what to do. I'm very confused because that was my first time to fell inlove. I'm happy that we became friends even though I want us to be on a higher level. Of course I want us to become a couple.
I'm okay with what we have at first but lately I always felt that I want him to see me, not just as his best friend but to see me as a girl who loves him yet I know that we're just friends.
I tried to forget my feelings towards him. I tried not to hang out with him almost for a week now. I've been isolating myself for days but I'm still always going near him watching him from afar. I know I'm like stalker but who cares?
Honestly, I miss him already. It's been five days since I started to avoid him. I miss everything about him.
Nagulat ako ng may kumulbit bigla sa akin. Hindi ko napansin na hindi na pala nagalaw ang swing na kinauupuan ko at nakatulala nalang pala ako pero mas nagulat ako nang makita kung sino ang taong nasa likuran ko na syang kumulbit sakin.
"Hi, Adreighna." He greeted me
"Hugh?" I shockingly asked at napatayo pa ako
He skipped class to go here?! Why is he even here in the first place?! And how the hell did he knew that I'll be here?!
"Yes, Missy. It's me the person you've been avoiding for five days."
"I'm not avoiding you. Naging busy lang ako." Tanggi ko kahit totoo naman yon
"Busy? Busy umiwas sakin. So what's your problem, Adreighna? I missed you." Sabi nito at yumakap sa akin
He's always this clingy to me kapag kaming dalawa lang.
Naku po. Nahuhulog na naman ang puso ko. Kalma ka lang, heart. Si Hugh lang yan. Oo si Hugh, si Hugh na mahal na mahal ko. Syete nababaliw na ata ako.
"Why are you here, Hugh?" Cold na tanong ko sa kanya
"Iniiwasan mo kasi ko. Miss na kita. Bakit ka ba kasi umiiwas? Hindi naman tayo nag-away." Nagtatakang sabi nya
"Wala. Ayoko lang kasi na masira friendship natin." Seryoso kong sabi
"Pero sa ginagawa mo sinisira mo sya, Adreighna." Malungkot na sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin.
Uy, wag kang ganyan. Wag kang malungkot dahil lang sakin. Nilalayo ko lang naman yung sarili ko sayo kasi natatakot ako. Natatakot ako na kapag nalaman mo yung nararamdaman ko sayo baka iwasan mo ko. Kaya eto habang maaga pa naghahanda na ako. Sinusubukan ko na ilayo sayo yung sarili ko sayo para masanay ako na wala ka sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya ng hawakan niya yung pisngi ko at may parang pinunasan sya sa mukha ko.
"Hey, why are you crying?" He asked me
Umiiyak na pala ako? Hindi ko man lang namalayan. Umiling iling lang ako sa kanya at ngumiti.
"Don't give me that smile. Ano ba kase ang problema mo?" Medyo inis na tanong nya
'Mahal kita. Yon ang problema ko.' Sagot ko sa tanong nya sa isip ko
"Mahal mo ako?" Gulat na tanong niya
Nanlaki tuloy abg mga mata ko. Nasabi ko ba ng malakas yon?! Shet, patay na. Sinubukan kong tumakbo pero nahawakan nya agad ako.
"Sagutin mo ang tanong ko, missy." utos nya sa akin
No choice na ako. Narininig nya na. Kailangan ko na umamin. Bahala na kung anong mangyari pag tapos nito basta aamin nalang ako.
"Oo, mahal kita kita simula pa nung una. At alam kong hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko kaya lumalayo ako sayo. Sinusubukan ko nang pigilan yung nararamdaman ko sayo." nakatungong sabi ko
Napaangat ako ng tingin sa kanya ng hawakan nya ang dalawang kamay ko. Nagtaka ako kasi isang malapad na ngiti ang nakikita ko sa mukha nya.
"Bakit mo pa kailangan pigilan?" Nakangiti nyang sabi
"Ha? Teka bakit ka ba nakangiti?" Takang tanong ko
"Sobrang saya ko lang naman kasi yung babaeng mahal ko ay mahal rin pala ako."
Napanganga ako sa sinabi nya at napatitig nalang sa kanya tapos biglang nag sink in sa utak ko yung sinabi nya.
"Tangina! Totoo? Kelan pa? Paano? Bakit ako?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya
Namula ako ng bigla nya akong nakawan ng halik sa labi. Napatitig ulit ako sa kanya at alam kong pulang pula ang pisngi mga ko.
"Bibig mo, ang bastos. Oo, totoong totoo walang halong biro. Mahal kita, Adi. Kelan pa? Paano? Bakit? Hindi ko alam eh basta ang alam ko ay mahal rin kita siguro simula rin nung una." Sabi nya at niyakap ako
Yumakap rin ako sa kanya at napangiti nalang. Hindi ko naman pala kailangan umiwas kasi yung lalaking mahal ko ay mahal din naman pala ako, simula pa nung una.
═━┈┈━═
「༄」᎒ Adreighna, Hugh.
「ꨄ︎」᎒ This was a collaboration with my friend estrangherongbabae but I made my very own ending for this one shot story. Ako rin naman gumawa nung umpisa eh HAHAHAHA.
♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ June 27, 2019
![](https://img.wattpad.com/cover/259526630-288-k290948.jpg)
BINABASA MO ANG
TALES OF THE HEART
Short Story〄 TALES OF THE HEART RANDOM ONE-SHOT STORY COMPILATION fel || @_eftychia