009 - The Secrets

5 1 0
                                    

︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎         ︎      
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎  ︎ ︎︎    ❝   the secretsㅤ—ㅤeftychia
︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎           
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎              ︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎              ︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎    
"Guys! Alam nyo na ba na may gala tayo, tomorrow night?" Tanong ni Myra

"Luh seryoso?" Gulat na tanong ko

"Yep. Hindi ka ba nagbabasa ng messages?" Sagot naman ni Jake

"Hindi hehe."

"Yan kase, Klein. Puro ka nalang BL." Parang nanay na sabi ni Lester

"Sorry na po, mama. Hindi na po mauulit." Malambing na sabi ko dito at niyakap sya

"Nako tigilan mo kong bata ka! Hindi ka na mapagsabihan! Puro ka nalang selpon! Hindi ka na mautusan sa bahay! Umakyat ka na nga lang sa kwarto mo, wala ka naman dulot dito!" Kunyari galit na sabi nya

"Nako! Best actress talaga ang mama ko. Ang galing galing! Hehe aakyat na talaga ako sa kwarto ko katulad ng sabi mo. Bye guys, love you all!" Sabi ko sa kanila at agad na tumakbo papunta sa kwarto ko.

Nahiga lang ako sa kama ko at nagbasa. Ng ano? Syempre ng BL po hihi. Nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako mula sa pagbabasa.

"Hoy, gumising ka na! Alas kwatro na ng hapon! Anong oras ka na naman natulog ha? "

"Hmmm, di ko alam." Inaantok na sagot ko at kinusot ang mga mata ko

Nang inangat ko ang paningin ko nakita ko si Lester na nakaupo sa tabi ko kaya niyakap ko sya.

"Morning, babe." inaantok na bati ko sa kanya

Tinapik tapik nya lang ang mukha ko tapos ay tinanggal ang pagkakayap ko sa kanya.

"Tumayo ka na dyan. Dinalhan kita ng pagkain. Nandiyan sa bed side table mo at maligo ka na rin tsaka magaayos. Tapos bumaba ka nalang ng 6pm kase ganong oras tayo aalis." sabi nya at iniwan na ako

Nang makalabas sya ng kwarto ay doon lang tuluyan na nagising ang diwa ko. F-ck!! Did I just call him 'babe'?? Ang tanga mo naman, Klein. Inis na sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa sarili kong katangahan.

Napatingin ako sa bed side table ko. May pagkain nga. Fried rice with egg then longgonisa at kamatis tapos may gatas rin. It's my favorite breakfast. He really is thoughtful.

Kinain ko lang yon at nagayos na. Nang matapos ako ay mahaba pa ang oras ko kaya naglibang lang ulet ako sa pagbabasa ng BL.

Bumaba rin ako ng mga 5 minutes before 6pm at nakita ko na nadoon na ang iba sa kanila. Dalawa nalang ang kulang si Lester at Zayn.

TALES OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon