︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ❝ behind my maskㅤ—ㅤeftychia
︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎
I saw you seating alone under a tree so nilapitan kita.
"Hello, Eros. Kamusta ka na?"
Nakangiti kong tanong sayo. Napatingin ka sa akin at halata sa mukha mo na nagulat ka na makita ako dito. Syempre malayo ang village na ito sa village kung saan ako nakatira. Magugulat ka talaga at mapapaisip kung bakit ako nandito.
"Ayos lang ako, Prima. Bakit ka nga pala napapadpad dito? " takang tanong mo
"Hmm may pinuntahan lang ako na kakilala ko na dito nakatira tapos napadaan ako sa park na ito at nakita kita kaya nilapitan kita." Nakangiting sagot ko sa tanong mo
"Kamusta ka naman, Prima? Ilang araw na tayong hindi nagkikita." Medyo malungkot na saad mo
"Maayos naman. Eto masaya kasi nakita na ulit kita. Namiss kita eh." Pabirong sabi ko
"Wag mo nga akong ginaganyan. Baka mahulog ako sayo nyan. Di mo naman ako sasaluhin." Pabiro mo ring sabi
"Ikaw mahuhulog sakin? Malayong mangyari yon, Eros. Alam ko naman na hindi ka mafafall sakin kasi alam kong mahal mo pa sya at hindi mo sya kayang i-let go. Kahit alam natin pareho na niloloko ka lang nya." Nakangiting sabi ko sayo
"Kilalang kilala mo nga talaga ako."
Saad mo habang may mapait na ngiti ka sa iyong labi. Kasabay ng iyong pagngiti ay ginulo mo rin ang ayos ng buhok ko.
Mahina kong tinampal ang kamay mo at hinampas ka sa balikat.
"Ano ba! Wag mong nga guluhin yung buhok ko." Inis na sabi ko sayo
Nginitian mo lang ako tapos kinurot mo ang tungki ng ilong ko.
"Ahm, Eros may gusto pala akong sabihi----"
Naputol ang sasabihin ko kase may biglang tumawag sa cellphone mo.
"Wait lang Prima, ah? Sasagutin ko lang to."
Paalam mo sa akin tapos tumayo ka at medyo lumayo sa'kin.
Pinagmasdan lang kita habang kausap mo sya. Oo alam ko na yung babaeng mahal mo ang kausap mo. Dahil sa kurba palang ng mga ngiti mo alam ko na agad na sya ang kausap mo. Sa kanya ka lang naman kasi ngumingiti ng ganyan kahit alam mo na niloloko ka lang nya.
Lumipas ang ilang minuto ay natapos din ang paguusap nyo. Bumalik ka sa tabi ko ng may malapad na ngiti.
"Hindi mo na kailangan sabihin sakin dahil alam ko na ang sasabihin mo. Okay lang ako dito kaya pwede mo na syang puntahan. Magpapahangin lang ako saglit tapos ay uuwi na rin ako."
Saad ko bago mo pa masabi ang gusto mong sabihin.
"You're the best, Prima!"
Hinalikan mo ako sa noo bago ka nagpaalam sakin at tuluyan nang umalis. Hindi na ako nagulat ng bigla nalang nagsituluan ang mga luha sa mata ko ng makalayo ka.
Gusto ko sana mag-open up sayo ng mga problema ko, Eros. Gusto ko sana sabihin sayo lahat ng hinanakit ko sa buhay. Gusto ko na lagi ka lang nandito sa tabi ko pero ano nga bang magagawa ko? Kaibigan mo lang naman ako.
Higit sa lahat ng gusto ko. Gustong gusto ko sanang sabihin sayo na mahal kita, matagal na. Nais ko ring tanggalin yung maskarang lagi kong suot sa tuwing kaharap kita.
Yung ako na laging nakangiti, yung ako na parang walang problema sa buhay, yung ako na hindi naman talaga ako dahil maskara lang iyon na pinapakita ko sayo upang hindi mo malaman na malungkot ako.
I'm always crying alone, Eros. And the walls I made aren't gonna hold anymore. The castle I made is already falling from within. I always want to take my mask off but I always don't have the opportunity to do that. And I don't know why but even though I know you love her with all your heart I still want you the way you want her.
═━┈┈━═
「༄」᎒ Prima, Eros.
♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ June 18, 2019
BINABASA MO ANG
TALES OF THE HEART
Cerita Pendek〄 TALES OF THE HEART RANDOM ONE-SHOT STORY COMPILATION fel || @_eftychia