︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ❝ by, I'm leavingㅤ—ㅤeftychia
︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎"Tita, nasaan po si Naio? Wala po sya sa taas." rinig kong tanong ng boyfriend ko na kapapasok lang kwarto kay Mama na may hinahanap dito sa kwarto koNatatakluban kasi ako ng mga unan kaya siguro ay hindi nya ako nakikita. Sa totoo lang ay punasok na sya kanina dito pero hindi ako nagsalita HAHAHAHA.
"Ayan oh, nagtatago sa loob ng mga unan." sagot ni Mama sa kanya at itinuro ako pagkatapos ay lumabas na rin dahil nakuhabna nya siguro ang hinahanap nya
"Hi, by." bati ko sa kanya
Natatawa naman syang lumapit sa akin. "Ano namang ginagawa mo dyan?"
"Nagtatago sayo. Kidding, malamig kase. Hindi ko mahanap yung kumot." sabi ko at inalis na ang mga unan na nakatalukbong sa akin
"Wag mo akong lokohin. Nakatalukbong ka na ng kumot tsaka alam kong ikaw mismo ang nagbubukas ang ac. So bakit ka nga nagtatago?" tanong nya
"Wala, malambot kasi ang mga unan. Parang hindi mo naman alam na kaya maraming unan sa kwarto kasi malambot sila." sabi ko dahil wala naman talaga akong ginagawa doon
Ayoko lang na may umistorbo sa akin kaya nagtalukbong ako ng kumot at unan. Marami kasing istorbo sa pagbabasa ko.
"Ang sabihin mo gusto mong walang umistorbo sayo." sabi ni Deimos
"Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa. Bakit ka nga pala nandito?" Sabi ko at inirapan sya.
"Magpapaalam sana ako, by."
"Saan ka na naman gagala?" takang tanong ko
"That's not what I meant. I'm saying goodbye. By, I'm leaving. Aalis na kami, lilipat kami ng bahay." malungkot na sabi nya
"Wait? What? Aalis ka? Iiwan mo na ako? Paano na tayo?"
"Well, if your fine with long distance relationship, edi tayo pa rin. If di mo naman gusto we can break up but I would really love it kung mag-aagree ka na tayo pa rin." he said
Niyakap ko sya. "I'm fine with long distance basta hindi mo ako lolokohin at iiwan. Tsaka pwede naman tayo mag-meet every once in a while, diba? Kelan ba kayo aalis?"
He kissed my forehead. "Of course, I won't. At oo naman at magmemeet pa rin tayo. Next week kami aalis. I love you, by."
"I love you, too." sabi ko at mas lalo syang niyakap
He stayed at our house for a five days since we wanted to spend time and memories with each other since matatagalan pa bago kami ulit magkikita dahil marami pa syang mga dapat ayusin pagdating nila sa lilipatan nila.
We got out to dates, watch some movies together, hangout with our other friends and also with both families. Madami kaming ginawa sa isang linggo na iyon at puno iyon ng masasayang alaala.
Ngayong araw na siya aalis para puntahan lumipat. Nauna na kasi ang parents at mga kapatid nya kahapon at sya nalang ang naiwan dito.
"By, mag-iingat ka ah? Drive safely, okay?" sabi ko sa kanya at hinalikan sya and he kissed back
Hindi na namin pinansin na nandito ang parents ko. I'm really sad. Nasanay na kasi akong lagi syang nandito sa tabi ko.
"I'll miss you. Tawagan mo ako pagnakadating ka na doon ah? I'll wait for your call. I love you, Deimos." sabi ko habang nakayakap sa kanya
"I love you too, Naione." he said and we kissed again
After that ay sumakay na rin naman sya sa kotse nya. He'll be driving to where he is going. So I really hope that he'll be fine and that he'll drive safely.
----
It's been eight hours ever since Deimos left. Mga ganitong oras ay dapat ay nakatawag na sya sa akin. Ang byahe mula dito at sa lilipatan nya ay mga seven and a half hours lang.
Nagulat ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Oh, Deimos is calling me now.
"Hell---"
"Naio, n-nak." rinig kong boses ng mama ni Deimos
"Tita? Bakit po? Bakit ka po naiyak, tita?"
"W-wala na si D-Deimos, nak. Iniwan na nya tayo. Naaksidente ang sasakyan nya. He's car was sandwich by two big trucks." umiiyak na sabi ni tita
Natulala nalang ako habang umiiyak. Naririnig ko pa ang boses ni tita sa phone ko pero wala na ako maintindihan sa sinasabi nya.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumapit sa akin si Mama at niyakap ako.
"Maaaaaaa. Wala na si Deimos? Iniwan na nya tayo? Iniwan na nya ako? Iniwan nya kami ng magiging anak nya."
Umiiyak na sabi ko ay kama at hinigpitan nya ang yakap sa akin at mas lalo lang akong naiyak.
═━┈┈━═
「༄」᎒ Deimos, Naione and both of their mothers.
♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ March 12, 2021
BINABASA MO ANG
TALES OF THE HEART
القصة القصيرة〄 TALES OF THE HEART RANDOM ONE-SHOT STORY COMPILATION fel || @_eftychia