011 - Kaibigan Lang

4 1 0
                                    

︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ❝ kaibigan langㅤ-ㅤeftychia
︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎


Nandito ako nakatambay sa may gate namin at binabantayan ang alaga kong aso habang naglalaro ito dito sa lawn namin.

Habang nakaupo ako dito ay nagscroscroll lang ako sa news feed ng phone ko habang humihithit ng sigarilyo.

Pero napatigil iyon ng may dumaan na babae sa harap ng gate namin. Naibato ko ang sigarilyo na hinihithit ko at biglang napatayo.

"Miss, teka lang anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya

Inirapan naman ako nito. "Bakit at ano naman sayo?"

"Gusto ko lang malaman. Baka pwede naman ako sayo makipagkaibigan." sagot ko

Ngumiti naman sya. "Sus, yun lang naman pala eh! Walang probleman dun basta't nandyan ka lang palagi. Pag ako'y nalulumbay maaasahan ba kita?"

Napangiti rin naman ako sa sinagot nya. "Syempre naman ako pa."

Simula nun kami'y naging matalik na magkaibigan. Lagi akong nandyan para sa kanya katulad ng gusto nya at lagi rin naman syang nandyan para sa akin.

Bantayan at alagaan sya ay aking kinahiligan at sa tingin ko ay naging sobrang overprotective ko na sa kanya pero hindi naman sya nagagalit sa akin. Sa tuwing sa kanya ay may nanliligaw sya'y aking kokontakin, kapag tinawagan nila siya agad ko silang kokontrahin.

Hindi ko masabi ang nararamdaman ko para sa kanya at ang kagustuhan kong sya ay mapasakin.

Ako'y naiinlove kapag kanyang tinititigan ngunit aking pinipigilan dahil alam kong kaibigan lang. Kaibigan lang ang turing nya sakin.

Minsan nga gustong sabihin sa kanya na mahal ko sya kaso baka ang isagot nya sakin ay 'Wag ka ngang magpatawa tse!'

Iyon ang dahilan kung bakit di ko inaamin sa kanya kase nga kaibigan lang, kaibigan lang ako dyan sa puso nya. Yon lang ang tingin nya sa akin kahit iba na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Naalala ko tuloy nung, isang araw nagkita kami sa may plaza. Sasabihin ko na sana sa kanya yung nararamdaman ko kaya lang umatras yung dila ko eh.

"Elice!" Bati ko sa kanya

"Oh, Limuel. Kamusta?" Bati nya rin sakin.

"Maayos naman. Nga pala, pwede ba kitang yayain?" tanong ko sa kanya

"Saan naman?" takang tanong nya

"Sa pasyalan lang."

"Sige ba!" masiglang sagot nya

"Pagkatapos ituloy na sa kasalan." bulong ko sa sarili ko

"Ha? Baliw ka ba?" tanong nya habang nakatingin sakin na larang nababaliw na ako

Ang talas ng pandinig nito. Idinaan ko nalang sya sa ngiti. "Dejok lang. Ito naman hindi na mabiro."

"Parang gago ka kase e." sabi nito at inirapan ako

"Biro nga lang e. Halika dito." sabi ko at hinigit sya na maupo sa tabi ko

Naningkit ang mga mata nya at humarap saken. "May gusto ka bang sabihin? Tapatin mo nga ako, inlove ka ba saken?"

Ngumiti ako at pinisil ang mga pisngi nya. "Kaibigan lang kita at hindi tayo talo diba?"

Tinignan nya ako na parang hindi sya kumbinsido. "Talaga lang ha? totoo ba yan?"

"Oo nga!" sagot ko sa kanya

"Eh bat lagi mo kong sinusubaybayan?" curious na tanong nya

"Ahhh.... Ehhh.... Ganito kase yan!" sabi ko habang nagiisip ng pwedeng palusot

"Sige nga ipaliwanag mo!" demanding na sabi nya

"Ayoko lang may tumabi dyan!"

Argh! Bobo mo, Limuel. Sa lahat ng pwede mong sabihin yan pa.

"Saang tabi?"

"Saan pa ba edi dyan sa tabi mo!" nagpapanic na sagot ko

"Bakit nagseselos ka?" nakangising sabi nya kaya natauhan ako

"Anong pinagsasabi mo?" pagtanggi ko kahit tama naman sya

Dinanngi nya ang balikat ko. "Kunyari ka pa."

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Kulit mo naman. Oo nga, mahal kita. Ngunit bilang kaibigan lang naman. Oh, gеts mo na?"

Ngumiti ka naman. "Okay, sige na. Baka hinahanap mo na ko samin." sabi mo at tumayo na

"Sige, ingat ka."

Ahhhhh sh-t! Bakit di ko pa inamin?! Tama ganon nga, di ko alam kung bakit lagi nalang ganon.

Kaninang nasa tapat ko na sya, kahit na summer ngayon ay nilalamig pa rin ako. Gusto ko ng umamin sa kanya pero natatakot aat kinakabahan ako. Ayoko naman kasi na masira ang friendship namin. Sayang din yung tagal ng pagkakaibigan namin tapos baka masira lang kapag inamin ko sa kanya na gusto ko sya.

Siguro ay pipilitin ko nalang makuntento sa ganito. Tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hanggang kaibigan lang talaga yung turing nya sakin.

═━┈┈━═

「༄」᎒ Elice, Limuel.

「ꨄ︎」᎒ I made this based from the song 'Kaibigan Lang' by Hambog ng Sagpro Crew. So you may see that's it very same from the lyrics of that song, since honestly halos kinuha ko lang talaga sya doon.

♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ March 14, 2021

TALES OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon