007 - Rebound

5 1 0
                                    

︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎         ︎      
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎     ︎ ︎︎ ︎    ︎ ︎ ︎  ︎ ︎︎    ❝   rebound ㅤ—ㅤeftychia
︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎           
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎              ︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎              ︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎    

"Lauri! Pupunta ka mamaya sa reunion party?" Tanong sa akin ng kaibigan ko na si Mariel

"Yup. Alam ko naman na maraming magtatampo kung hindi ako makakarating." Natatawang sabi ko sa kanya

"Asa ka pa, Lauri. Walang magtatampo sayo. Remember hindi ka ganyan noon? You we're a nerd until you graduate college." Pangaasar nya

"Salamat sa pag-papaalala." Nakabusangot na sabi ko rito

Hindi naman na sya nagsalita at tinawanan lang ako ng gaga.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ang boyfriend ko kung free ba sya mamaya. Busy kasi ang schedule namin parehas kaya ilang araw na rin kaming hindi nakakapagkita.

He said no since may gagawin daw sya but he said that he's free this afternoon until five. Kaya napabuntong hininga nalang ako at sinabi na dederetso ako ngayon sa apartment nya since wala naman akong gagawin. Maaga pa naman at mamaya pa yung reunion party namin.

"What's with the sigh?" Tanong sa akin ni Mariel

"Wala. Sayang lang hindi ko makakasama ang boyfriend ko mamaya. May gagawin daw sya kaya hindi nya ako masasamahan." Malungkot na sabi ko

Tinapik naman ni Mariel ang balikat ko. "Ayos lang yan, bes. Kasama mo naman ako."

Nakangiti nyang sabi pero parang may mali. Parang may gusto pa syang sabihin pero hindi nya na sinabi pa. Halata kasi sa mata nya na may gusto pa syang idagdag. Nagkibit balikat nalang ako.

"Thanks, bes. Una na ako. Kitakits nalang mamaya." Paalam ko sa kanya at iniwan na sya since hindi pa sya tapos sa trabaho nya

Nagtaxi nalang ako papunta sa condo ng boyfriend ko na si Daryl since coding ang kotse ko ngayon. Nang makarating ako doon sa condo nya ay binati ako ng guard at ng bantay sa lobby. May sinabi pa sila sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanila at nagpasalamat bago ko sila nilagpasan.

I rode the elevator and pushed the 11th floor kung nasaan ang condo nya. The I searched for room 1109 and rang the doorbell.

Nakailang doorbell pa ako bago tuluyang bumukas ang pinto condo unit nya.

"What took you so long?" Takang tanong ko sa kanya

"Noting, babe. How's your day?" Bati nya

Wala daw. Pwede ba yon? Ipinagsawalang bahala ko nalang yon at sinagot ang tanong nya habang naglalakad kami papasok ng condo nya.

TALES OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon