012 - Nene

8 1 0
                                    

︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎         ︎      
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎      ︎ ︎︎ ︎     ︎ ︎︎    ❝   neneㅤ—ㅤeftychia
︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎           
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎              ︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎              ︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎            ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎        ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎             
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎    

"Nene, maghain ka na ng kakainin natin ng mga kapatid mo."

Utos sa akin ni inay kaya mabilis akong kumilos para gawin iyon. Habang nag-hahain ako ay biglang lumapit sa akin ang isa sa mga kapatid ko.

"Ate, sabi ni Inay wag ka na daw muna pumasok ngayon. Bantayan mo daw kami at may pupuntahan sya." sabi nito sa akin

Napabuntong hininga nalang ako at nginitian sya. "Ato, tawagin mo na ang mga kapatid natin at kakain na tayo." sabi ko sa kanya at mabilis naman syang tumakbo para tawagin ang iba naming kapatid

Bumalik rin naman agad si Ato at kasama na nya si Toto, si Ine at si Dang. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang dumating si Inay.

"Oh Nene, sinabi naman na sayo ni Ato na aalis ako, kaya umayos ka at dito ka lang. Wag ka nang magbalak na pumasok ngayon at maglaba ka nalang mga damit natin. Oh sya, aalis na ako." sabi niya at umalis din agad

"Ate, ba't ganon si Inay? Lagi nalang syang wala dito sa bahay?" tanong ng kapatid ko na babae na si Dang

Nginitian ko sya. "Nagtratrabaho kasi si Inay kaya ganon."

Hindi naman na siya nagsalita kaya nagpatuloy lang kami sa pagkain ng matiwasay. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na ako ng aming pinagkainan ay kinuha ko na ang kaing kung saan nakalagay ang aming mga maruruming damit at dinala iyon sa labas kung saan may poso.

Tahimik lang akong naglalaba dahil wala naman akong makakausap dahil nasa loob silang lahat. Pero nakita ko silang nakasilip sa akin mula sa pinto kaya sinenyasan ko sila na lumapit. Mabilis naman silang tumakbo papalapit sakin.

"Ate, tulungan ka namin." masiglang sabi ni Ine

"Sige ba. Basta lang ay huwag kayong magtatampisaw at tutulong kayo ng ayos." sagot ko

Ngumiti naman sila at pinabayaan ko na silang tumulong habang nagkwekwentuhan kami. Hindi kami ganon na nagtagal sa paglalaba dahil tinulungan nila ako. Kung ako lang ang naglaba ay siguradong sobrang tagal pa bago ako natapos.

Dahil gabi na ay nagluto lang ako ng pagkain na makakain namin at napagpasyahan namin na magkulitan bago sila antukin at maisipan nila na matulog na.

Mahimbing na ang tulog ko ng may maramdaman akong humahaplos sa aking hita. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Itay sa harapan ko na sinesenyasan ako na wag mag-ingay at na samahan ko sya sa labas.

Tumango lang ako at sumama sa kanya papalabas dahil siguradong pag hindi ako sumunod ay pwedeng si Ine o si Dang ang gisingin nya at ayoko naman non.

Sa totoo lang ay hindi na bago sa akin na tinatawag ako ni Itay sa gabi para gamitin ako upang masiyahan ang kanyang sarili.

Nung una ay umiiyak pa ako at nagmamakaawa sa kanya na wag nyang gawin iyon pero hindi naman ako pinapakinggan ni Itay kaya sa huli ay nagtitiis nalang ako sa ginagawa nyang kababuyan sa akin dahil ayoko naman na yung mga kapatid ko na mas bata pa sa akin ang puntiryahin nya.

Mabuti nang ako nalang ang magkaranas nito, wag na sila. 

═━┈┈━═

「༄」᎒  Nene, Ine, Dang, Ato, Toto, Inay, Itay

♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ March 21, 2021

TALES OF THE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon