Chapter 1

1K 22 1
                                    

Beginning










Alexia's POV






Naglalakad kami ngayon kasama ng best friend ko na si Pat, naghahanap kasi ako ng trabaho na mapapasukan habang bakasyon pa. Kailangan ko ng pera para mapagpatuloy ko ang pag-aaral. Nag-iisa nalang ako sa buhay, my mom died when I was 18 and now I'm 20. Two years have past pero sariwa parin sa'kin ang sakit. Si Mama nalang ang naiiwan kong pamilya, I don't know kung sino ang Papa ko. Ayun kay mama noon ay iniwan na kami ni Papa ng sanggol palang ako. Wala akong Papa habang lumalaki ako.


Galit ako kay Papa dahil sa pag-iwan niya sa amin ni Mama. 'Di niyo naman ako masisisi dahil may responsibilidad naman siya sa'min... sa'kin. Pero naron parin sa'kin ang kagustuhan na makilala ang Papa ko kahit na galit ako sa kanya. 'Di ko nga alam kung buhay pa ba siya o patay na. Half korean daw ang Papa ko, yun ang sabi ni Mama, kaya daw magkamukha kami, mukha daw akong hindi pure na Filipino dahil nakuha ko ang kagwapuhan ni Papa, pero ang 'lagi ko lang sinasabi ay magkamukha kami ni Mama dahil maganda naman si mama. Marami pa nga ang gustong manligaw sa kanya kahit na may anak na. Pero lahat sila ay tinanggihan ni Mama.

Labis na nasaktan si Mama na lumaki ako ng walang ama. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nais din niyang magkaroon ng kompletong pamilya.

Kahit na ganon ay pinalaki niya akong mabuti, pinalaki niya akong mag-isa na walang tulong galing kay Papa. Ginawa niya ang lahat para mabigay sa'kin ang mga kailangan ko. Pinag-aral pa niya ako sa mamahaling paaralan.




Pero hindi ko hinangad na maging mayaman. Kontento na ako sa anong meron kami. Hindi ako maluho kaya ang mga binibigay ni Mama sa'kin ay iniipon ko para magamit sa pagdating ng araw.



Nang dumating ang araw nagising nalang ako ng may tumawag sa'kin na wala na daw si Mama dahil nabunggo ng sasakyan, dead on arrival 'daw si Mama. Gumuho ang mundo ko no'n. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na kayang mabuhay. Tatlong buwan akong walang tulog kahit na nailibing na si Mama. Hindi na halos ako kumakain. Malaki ang ibinagsak ng katawan ko dahil sa tatlong buwan akong nagluksa sa pagkawala ni Mama.




Mabuti nalang at nandiyan si Patricia, siya ang nag-alaga at dumamay sa'kin sa mga panahon na yun. Siya ang nagasilbing gabay ko para makabangon muli. Palagi niyang pinapalakas ang loob ko dahil marami pa daw dahilan para mabuhay. Na-realize ko rin na hindi magiging masaya si Mama kapag nakita niya akong ganito. Buhay na parang patay.




Pinilit kong bumangon mula sa bangungot na'yon at nagsimula ng bagong buhay. Pinagbutihan ko ang aking pag-aaral, tinulugan ako ni Pat na makabangon. Isa lang kami ng campus pero magkaiba ng course. I want to become a chef like what my mom want too. Pangarap ni Mama na maging chef pero hindi iyon natuloy dahil nabuntis siya ni papa and the result is me. While Pat get the Business management.


Marami kaming pag-kakaiba ni Pat katulad nalang na siya ay mayaman samantalang ako mahirap. She's my best friend since highschool. I'm a looner before while she is a popular in our campus. Hindi sa pinagmamayabang Pero maraming lalaki din ang nagkakandarapa sakin pero pinipili ko nalang na lumayo. Hindi ko nga alam bakit niya ako naging kaibigan gayong marami namang kapantay niya na nais makipag-kaibigan sa kanya.

Pag tinatanong ko siya na bakit ako ang pinili niyang kaibigan? Ang palaging sagot lang niya ay she hate a fake friend. Ang iba ang intensiyon lang ay makikipag kaibigan lang sa kanya para sa popularity. Sikat si Pat sa campus kaya pagnagkataon na maging kaibigan nila si Pat ay maaari 'rin silang maging sikat. Pat said that she only need a friend like me. Totoo daw ako sa sarili ko at hindi alintana kung mahirap o mayaman man ako. Hindi daw ako manggagamit para lang maging sikat, which is true. Kahit na magkaibigan kami ni Pat ay kahit kailan ay hindi ko siya ginamit. She always offer me na sa kanila nalang daw ako tumira dahil wala naman din akong iba pang kamag-anak na kilala pero palagi ko yung tinatanggihan. Even her mother convince me pero maski si Tita ay tinanggihan ko. Kilala na ako ni Tita, ang Mommy ni Pat dahil dinadala din ako ni Pat minsan sa bahay nila. Hindi naman against si Tita na magkaroon ng mahirap na kaibigan ang anak niya bagkos tinuring niya rin ako na parang anak.


Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon