Chapter 13

371 10 0
                                    

My wife




Namili kami ng gamit para sa darating na pasukan. Hindi pala bumili dahil wala naman kaming binayaran kahit na piso dahil mall pala to nila Axel. Pagkarating palang nila Axel kanina ay ang sama na ng tingin niya sa'kin parang kahit anong sandali ay babalatan niya ako ng buhay.

Ano bang ikinaiinit ng ulo niya?

"Lagkit makatingin sis! Sundutin ko yang mata nila eh!" Mariing bulong ni Pat.

Dumiretso kami dito sa Japanese restaurant pagkatapos naming mamili ng gamit.

Ang tinutukoy niya ay ang lagkit kasing makatingin sa'min mga lalaki sa kabilang table na may kasamang pagnanasa. Creepy!

"Yaan mo na" bulong ko din.

Nagulat ako ng higitin ni Axel ang bewang ko at mas nilapit sa kanya.
Magkatabi kami habang sa kabila ko naman ay si Pat. Katabi naman niya ang maylabs niya 'kuno'.

Busy sa paguusap ang mga kasama namin kaya hindi nila kami napansin. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko pero mas lalo niya lang hinihigpitan. Nang lingunin ko siya ay nasa harap lang ang tingin niya.

May kung anong kiliti ang dulot ng palad niya sa bewang ko.

Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Napatigil kami ng may tatlong babaeng lumapit sa amin. Paglapit palang nila ay masama na ang tingin nila sa amin ni Pat. Syempre magpapatalo ba ang best friend/Sister ko? Edi tinayaran niya rin.

"Anong namang gayuma ang pinainom niyo sa kanila? Tsk" sabi ng nasa gitna sa kanila.

"At sino ka namang mangkukulam ka?" Sagot agad ni Pat.

Kahit na mukha siyang inosente ay may tinatago din siyang pagkamaldita. Hindi lang halata.

Tahimik lang mga kasama namin na parang nanonood lang ng sene.

Tinaasan kami ng kilay ng empakta.

"At least I'm not that desperate like you!" Sabi pa ng impakta at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Pat.

"Oh tologo? Sino satin ngayon ang desperada? Lalapit kalang dito para sabihin ang mga walang kwentang bagay?" Pag-susungit ni Pat.

Pinigilan ko siya. Ayuko ng gulo lalo na't maraming tao.

"Tapos ka na? Pwede ka nang umalis" nagpeke pa ako ng ngiti aa impakta.

Inikutan lang ako ng impakta at nagcross-arm pa.

"I'm not yet slut! So shut up!"

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Slut? Kailan pa ako naging malandi?! Sa pagkakatanda ko ay hindi ako pinalaki ni mama na ganong klaseng babae. Parang sinasabi nadin niya na hindi ako pinalaki ng maayos ni mama.

"Ouch!"

Sinapak ko! Dapat lang yan sa kanya. Nananahimik kami dito bigla-bigla siyang susulpot?!

Natahimik ang paligid at kanya-kanyang bulungan.



"Dapat lang yan sa kanya hindi kasi marunong dumistansiya!"



Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon