Chapter 17

367 9 0
                                    


Kinuha niya ang plato ko at inilipat sa harap niya.

Nangunot ang noo ko ng mahina niyang hampasin ang kandungan niya.

"Sit here" maikli niyang sabi at sinenyas ang lap niya.

"Mani-kyaaah!"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay hinila na niya ako paupo sa kandungan niya. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa hiya.

L*tse ka talaga Axel!

Pinulupot niya ang kamay sa maliit kong bewang habang ang isa ay ginagamit niya para makakuha ng pagkain.

Napalunok ako ng maramdaman ang hininga niya sa tenga ko.

"H-Hindi ka ba n-nahihirapan?" Kinakabahan kong tanong.

"Nah" maikling sagot niya.

Tinapat niya sa akin ang kutsara na mayroong kanin at ulam.

Wala akong nagawa ng subuan niya ako. Hanggang sa natapos kaming kumain ay nakakandong parin ako sa kanya.

Tatayo na sana ako ng higpitan niya ang pagkakapulupot sa bewang ko.

Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.Jusko! Ang puso ko, feeling ko na nararamdaman niya rin iyon.

"You look so damn hot wife" bulong niya sa tenga ko. He's voice is so husky.

"Manyak ka!" Inis kong sigaw at hinampas siya sa braso.

"Nagustuhan mo nga--"

Knock~ knock~ knock~

Napatayo ako ng may kumatok aa pinto. Baka ano pang isipin non pag nakita kaming nasa ganitong posisyon.

"Istorbo!" Narinig ko pang mahinang bulong ni Axel.

"Ako na" presenta ko.

"No ako na, change you god*mn clothes" pigil niya at naglakad na.

Sumunod nalang ako sa sinabi niya. Malagkit ang katawan ko kaya naligo muna ako at nag toothbrush bago nagbihis. Bumaba narin ako pagkatapos.

Nasa taas palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang tawanan sa ibaba kaya nagmadali akong bumaba. Nasa sala sila and guess who? Ang ate ni Axel. Si Ate Tyranny or ate Ty.

"Alexia!" Agad na sigaw ni Ate Ty ng makita ako.

Kahit na malaki na ang tiyan niya ay Hindi naging hadlang iyon para yakapin niya ako ng mahigpit.

"Hello po" magalang kong ani.

"I though your in school, mabuti nalang talaga namilit ako sa asawa kong bisitahin kayo ng kapatid ko. Kamusta na pala ang pakiramdam mo? Nasabi kasi sa akin ni Xavier that your not feeling well"

Kakakita palang namin ang rami na niyang sinabi. Pero nakakatuwa naman pala siya.

"Okay na po ako ate, inalagaan naman po ako ni Axel" nakangiti kong sagot.

Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon