Chapter 20

359 13 0
                                    

Alexia's POV

Ano ba isusuot ko? Huhuhu.... Kanina pa ako naghahanap ng susuotin para sa concert mamaya pero hindi parin ako makapili. Nagkalat na nga ang mga damit ko sakakabukalkal ko eh.

"Ano na nakakahilo ka na! Ano ba Kasi hinahanap mo?!" Bulyaw ni Pat.

Oo nandito sila sa kwarto namin ni Axel. Nandito rin si Kia ba prenteng nakaupo sa couch, si Pat naman ay nakadikwatrong walang ganang pinapanuod ako.

"Eh Kasi... Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko mamaya sa concert" bugnot kong sagot.

"What?! Yun lang pala tapos akala mo jan aydate mo?! Sana sinabi mo para ako ba ang naghanap. Wala kang ka aning-aning sa katawan."

Tumayo siya at siya na ang pumili para sa akin.

"Hindi ka naman nagtanong eh" busangot ko.

"Kailangan pa bang itanong yun? Sinabi mo nalang kaya diretso!"

Bumusangot nalang ako at tumabi Kay Kia. Isasama talaga namin si Kia. Ayaw pa nga niya pero napilit din namin ni Pat. Kaibigan narin namin siya kaya unfair naman kung magsasaya kami habang siya nagta-trabaho. Bumalik nadin siya sa mansion sila Axel. Doon na ulit siya magta-trabaho. Temporary lang Pala siya dito sa bahay kaya medyo nakakalungkot. Pero okay lang naman, sariling disesyon niya naman yun.

"Oh ito. Bagay yan sayo." Ani ni Pat at inabot sakin ang dress na strap lang at naka-ekis sa likod. Hanggang sa tuhod lang ito at kulay creama.

"Hindi ba malamig don?." Tanong ko.

Pinameywangan niya ako at tinaasan din ako ni Kia Ng kilay.

*Pout* nagtatanong lang naman.

"Sabi ko nga eh. Ito na ang susuotin ko." Palusot ko.

Magdala narin sila ng damit at nagdala din sila ng make-up kit. Dito na kami mag-aayos.

__________________

"Nandito napo Tayo ma'am" Ani ni kuya driver.

Pagbaba na pagbaba palang namin Ng sasakyan at pinagkaguluhan na agad kami ng medya.

"Mrs. Dawson ano ang nararamdaman mo ngayong concert ng husband mo?"

"Can you tell us how's life of being wife of an idol?"

Ano ba naman to. Hindi naman ko ang may concert eh. Aabutin ako ng siyam-siyam pag sinagot ko pa sila isa-isa.

Tumabi sa akin si Pat at Kia ay may pumalinot narin sa aming bodyguards. Hinaharangan nila Ang media habang papasok kami.

"Grabeh girl mala artista ang peg mo." Tukso pa ni Kia ng makapasok kami sa Dome.

"Sa ganda ko ba namang to?" Pagmamayabang ko at kumindat pa.

"Nahawaan ka na yata ng kahanginan ng asawa mo, grabeh maka feeling eh anot hanggang langit ." Ani Pat.

"Alam niyo panira kayo eh, Tara na nga." Busangot on at hinila na sila paupo sa unahan.

Ilang minuto lang ay hindi ko na mapigilang, ihing-ihi na talaga ako. Nagpaalam Muna ako Kila Pat na mag c-cr munam may nakasabay akong babae papasok sa Cr pero nagdri-deritso lang ako. Naiihi na talaga kasi ako.

Paglabas ko ay naghugas ako Ng kamay. Habang naghuhugas ako ay nagsalita ang nakasabay kong babae kanina.

"Alexia Dawson?" Gulat na tanong nito. Base sa looks niya ay may kaya siya.

"Ah.. hehe.. ako nga..Sige una na'ko" pagmamadali ko.

Malay ko ba kung fans pala to ng DAB baka sabunutan nalang ako nito bigla.

Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon