Chapter 5

474 9 1
                                    

Alexia's POV





Pumasok na ako sa bahay este mansion nila. Hindi ko mapigilang tingnan ang bawat paligid. Grabeh ang laki talaga! Mula sa mga accessories hanggang sa dingding ay halatang mahal. Ganito ba talaga sila ka yaman?



Nasaan na ba yun? Di man lang ako hinintay! Ano akala niya alam ko na bawat sulok ng mansion nila? Eh ang laki nito saan ko siya hahanapin?



Dadalhin ako dito pero iiwan lang din naman. Sinama. Iniwan. Naligaw. Hahaha charot.



Napadaan ako sa malaking picture frame na nakasabit sa wall. It's their family picture. Nakaupo ang Mommy at Daddy niya habang nasa likod sila ng isang babae. I think it's his sister. Magkamukha kasi sila. May ate pala siya?






Kung titingnan mo, masayang-masaya sila. I sighed. Sana ako din. Sana ako 'rin nagkaroon man lang ng family picture. Hindi ko man lang alam kung anong itsura ng tatay ko.



Nasa kaliwang frame ay ate niya. She's beautiful. Mana ang ate niya sa Daddy niya habang mana naman si Axel sa Mommy niya. Pariho silang magaganda at gwapo.



Ang Mommy at Daddy niya ay Hindi halatang may edad na. Mukhang pa silang teenager.


Napatingin din ako sa katabi ng picture frame nila. It's Axel. Makisig siyang nakatayo. His so handsome wearing a slim fit burgundy tuxedo. Ang kisig kisig niyang tingnan sa tindig niya. Naka brush pa ang buhok niya. All I can say.... His handsome.


"His handsome right?"



Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay magandang babae ang nakatingala sa picture ni Axel.

Nang nilingon niya ako ay agad siyang ngumiti. Sh*t ba't ang ganda niya? Ang puti niya at mestisa.


Nahihiya akong napayuko. Hindi ko naman siyang kilala at Hindi naman ako taga dito. Baka kasuhan ako ng trespassing nito. Lagot talaga sa'kin yang Axel nayan! Sarap kutongan!

"What's your name hija?" Tanong na naman niya ulit.


"A-Alexia po" utal kong tugon.


"What are you doing here?"

Ayan na nga bang sinasabi ko eh! Sasalang yata ako sa question and answer portion nito.

"Ahm... Dinala lang po ako ni..." Naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa likod ko.


"Your here"


Sabay kaming napalingon ng babae kay Axel na ngayon ay mukhang galit.


"My son!" Masayang sabi ng babae.



My son? Anak niya si Axel?! Nagpabalik-balik ang tingin ko sa babae at sa picture. Siya nga! Bakit hindi ko man lang napansin iyon?!



"Ngayon mo pa ba napansin hija? Ako nga ang Mommy ni Axel" natatawang sabi ni Mrs. Dawson.


"Pasensiya napo, ang bata niyo po kasi tingnan" nahihiya Kong saad.


"Thank you for the complement hija" nakangiting sabi niya.

"What are you doing here?" Singit ni Axel.

Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon