Chapter 10

382 10 0
                                    

Alexa's POV


"Magkasama tayo sa kwarto Mrs. Dawson" nakangisi niyang sabi at kumindat pa.



Literal akong napanganga sa sinabi niya. What?! Magkasama kami sa iisang kwarto?!



Bakit ang ganda pakinggang tawagin niya akong Mrs. Dawson?


"Ayuko! Ano ka helo?!" Tangi ko.

Abah 'di porket mag-asawa kami ay pwede na! Hindi naman totoo ang kasal namin.



"Kasal na tayo kaya susundin mo ang sasabihin ko" maawtoridad niyang saad.


Tinaasan ko siya ng kilay.


"Eh ano ngayon? May rule ba na dapat ay magkasama tayo sa kwarto?"


"I have my own rule" sagot nito.

"A.yu.ko!" Madiin Kong saad.

"Papasok ka sa kwarto natin o kakaladkarin pa kita?"


Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na nagmartsa papasok sa kwarto. Bw*sit ka Axel!

The room we're in is a bedroom, with soft gigantic bed, hardwood furniture, brick accented wall, and gleaming crystal chandelier on the ceiling.



Pati kwarto maganda.


**
Tanghali na ng matapos akong ligpitin ang mga gamit ko at in-arrange. Pagkatapos kong mag-arrange ay bumaba na ako para magluto. Kumakalam narin ang sikmura ko. Nasa coach si Axel ng datnan ko habang nakaharap sa laptop niya. Hindi ko nalang siya pinansin baka may importante siyang ginagawa. Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng tanghalian. Alas dose narin ng tanghali.



Nagluto ako ng adobo, sinigang, fried rice, ham, hotdog at nag-prepare din ako ng juice. Marunong akong magluto dahil tinuroan ako ni Mama noong nabubuhay pa siya. Palagi niya akong nilulutuan ng mga paborito ko.


Hinanda ko narin ang mga plate, spoon, fork, glass. Tapos na lahat ng may marinig akong nag-uusap sa sala.

May ibang tao pa dito? Sino naman kaya yun?


Pumunta ako sa sala at nadatnan ko si Axel na may kausap sa pinto, at mukhang ang init ng ulo ni Axel habang nakikipag-usap dito. Hindi ko makita ang kausap niya dahil nasa labas pa sila. Nilapitan ko sila at napagtanto kong sila Clart pala. Ang mga kabanda niya.


"Dude naman bakit ayaw mong magpapasok?" Sa boses ay si Keren iyon.


Napangiti sila ng makita akong nasa likod ni Axel.


"Hi Alexia!" Masayang bati nila.


"Hello" tugon ko.


"I'm hungry pakain muna dude. Bumyahe pa kami" nakangusong sabi ni Clart na kay Axel ang tingin.


"Sakto marami ang niluto ko. Pasok kayo" sabi ko. Napalingon sila ng lahat sa akin at abot hanggang langit ang ngiti.


Wanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon