Arlyn A. 5

13 0 0
                                    

     " Anong daisy?'' maang niyang tanong sa kaibigan.
      " Iyong daisy-siyete, daisy-sais, daisy-otso....
iyong mga edad na gano'n. Pero tayo, kumbaga sa isda ay malapit nang mabilasa.''
                " Sobra ka naman...''
   "Ang iniisip ko, Chat, kaya ko sinabi kay tita Patty kanina na sa pabrika na lang tayo ipasok at ayaw natin sa restaurant, pewedeng sa pabrika ng pera tayo mapasok.''
                " Anong pabrika ng pera?''
    " Pagawaan sa mga pera. Sobrahan lang ang paggawa sa mga pera ay biglang yaman na tayo.''
         " Sira ka ba? Hindi ka ba nag-iisip?''
        " Bakit?''
" Central bank lang ang puwedeng gumawa ng pera. Kaya kung may ibang gagawa ng pera ay tiyak na fake iyon.
Sa halip na yumaman ay madadamay pa tayo at tiyak na kalaboso ang pupuntahan natin.''
         Napaisip si Lorna sa sinabi niya.

             EVIL'S   PLACEWhere stories live. Discover now