part (8) Evil's Place

3 0 0
                                    

"Oy, Nova, tatlong taon lang ang tanda ko sa 'yo, 'no."

"Mas matanda ka pa Rin,'' nakaingos na pakli ni aling Nova.

Dikawasa'y lumalabas mula sa kusuna si aling Mely na mas matanda kesa kina aling Nova at mang Delfin.

  "Ma' ano ngang tigilan ninyong dalawa ang pagtatalo't nakakahiya kayo sa kapitbahay,'' anito.
" At ikaw, Nova, tigilan mo ' yang kakaingos mo't hindi ka na bata. Ginagaya mo pa si Chat."
  
   Pati siya ay nadamay. Kaya bago pa humaba nag usapan pumasok na sa kanyang silid si Chat.

Hindi niya nakasama ang mga magulang dahil ang nanay niya ay namatay sa panganganak sa kanya at hindi niya nakilala ang tunay niyang ama. Bunso sa apat na magkakapatid ang mama niya at dito na siya lumaki sa poder ng mga kapatid ng kanyang ina. Ang panganay na si tiya Mely niya'y singkuwenta'y sais anyos na pero dalaga pa rin hanggang ngayon at walang balak mag-asawa kahit na kailan dahil nadala na itong umibig noong mabigo ito sa first love nito.

             EVIL'S   PLACEWhere stories live. Discover now